^

Police Metro

Romualdez, inaresto na

Angie dela Cruz - Pang-masa

Kaugnay ng P7.4 bilyong plunder case…

MANILA, Philippines — Inaresto na kahapon si dating House Speaker at incumbent Leyte Representative Martin Romualdez nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa loob ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Isinugod at na-confine ang dating Speaker sa naturang pagamutan nitong Lunes hapon matapos umanong makaranas ng cardiovascular complication.

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na si Romualdez ay itinutu­ring nang Person Deprived of Liberty (PDL) habang nasa ilalim ng kustodiya ng pamahalaan sa ospital.

Nag-ugat ang ­ pag-aresto sa P7.4-bilyong plunder case na isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay ng mga umano’y kickback at anomalya sa mga flood control projects mula 2022 hanggang 2025.

Walang inirekomendang piyansa ang Sandiganbayan Third Division para sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil ang kasong plunder ay isang non-bai­lable offense. Naglabas din ang korte ng hold departure order (HDO) laban sa kanya at sa kanyang mga kapwa akusado.

Bukod kay Romualdez, may arrest warrant din sina dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co; Joselyn Tragua Serenio at Felicito Cristobal Guevarra.

Sinabi naman ni Atty.Ade Fajardo, legal counsel ni Romualdez na maaring na-pressure lamang si da­ting Public Works Secretary Manuel Bonoan para idawit ang dating House Speaker sa iskandalo.

Hiniling din ng kampo ni Romualdez na magkaroon ng impormasyon sa 28 na bagong witness.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with