^

Police Metro

Marcos sa LGUs: Maglunsad ng solid waste programs

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa LGUs: Maglunsad ng solid waste programs
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang ha­limbawa ang Marikina na dapat gayahin ng mga lokal na pamahalaan dahil batid naman na nitong mga nakaraang araw ang malaking epekto sa pagbaha ng hindi tamang pagtatapon ng basura.Hindi kasi umano sapat na pumunta lang sa ilog at magkaroon ng desilting.
The STAR / Ernie Peñaredondo, File

MANILA, Philippines — Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang solid waste management system na ipinatutupad ng Marikina City matapos na inspeksyu­nin ang Marikina River ­Linear Park at bisitahin ang Marikina Centra­lized Material Recovery Faci­lity na mahigpit na pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang ha­limbawa ang Marikina na dapat gayahin ng mga lokal na pamahalaan dahil batid naman na nitong mga nakaraang araw ang malaking epekto sa pagbaha ng hindi tamang pagtatapon ng basura.Hindi kasi umano sapat na pumunta lang sa ilog at magkaroon ng desilting.

Base sa sistemang iniaaplay ng Marikina, ang basurang nakokolekta ay nire-recycle sa ibang bagay para muling mapakinabangan

Ayon sa Pangulo, dapat na tularan at bumuo rin ng kahalintulad na sistema ang ibang mga bayan at lokal na pamahalaan gaya ng ginagawa ng Marikina.

Inatasan din ng ­Pangulo si Department of Environment Natural Resources (DENR) Secretary Juan Miguel Cuna na paigtingin ang monitoring ng LGUs sa mga batas tungkol sa solid waste management.

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with