^

Pang Movies

Elijah, healing pa raw

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Elijah, healing pa raw
Elijah Canlas

Ayan tapos na ang isyu. Inamin na ni Elijah Canlas na naghiwalay sila ni Miles Ocampo nang maa­yos.

At nilinaw niyang walang third party sa kanilang breakup.

Ito ang kinumpirma ng aktor sa interview ni Ogie Diaz sa YouTube vlog ng huli noong Martes.

Aniya, binigay naman nila ang lahat kaya naghiwalay sila nang maayos. Wala raw hate, sa kanyang part.

Pero hindi na niya idinetalye ang rason ng kanilang hiwalayan.

Na kahit daw maayos naman ay nasa healing process pa rin siya.

May intriga na may bagong girlfriend na kasi ang actor.

Pero idiniin niya na hindi talaga totoo ‘yun.

Itinanggi rin niya ang pakikipag-date sa singer-actress na si Thea Astley, matapos silang makitang magkasama sa La Union.

Aniya magkabigan sila ni Thea at marami sila that time.

 Pinalaki lang daw ‘yun sa social media as if magka-hol­ding hands sila sa kumalat na video noong nasa LU sila.

Parang wala naman sa character ni Miles na magsasalita tungkol sa nasabing hiwalayan nila ng actor na kamakailan ay nagbida sa pelikulang kapapalabas pa lang sa mga sinehan, ang HB2ME na parang hindi nagtagal sa mga sinehan.

ELIJAH CANLAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with