^

Pang Movies

Will, persistent kay Mika!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Will, persistent kay Mika!
Will Ashley at Mika Salamanca

Mukhang malapit nang matapos ang single life ni Mika Salamanca dahil inamin niyang may isang suitor siya ngayon na sobrang persistent and consistent to the point na lumalambot na raw ang kanyang puso.

Sa podcast ng content creator na si Killa Kush, ikinuwento ng Sparkle artist na ayaw na muna raw sana niyang magkaroon ng love life dahil gusto niya munang mag-focus sa career matapos ang paglabas niya sa Pinoy Big Brother house.

“Pero this person kasi, very persistent talaga kasi very consistent,” sabi niya.

Sey pa niya, maraming beses na raw niyang binasted ang guy na ito na hindi na niya pinangalanan but for sure, may idea na ang kanyang fans kung sino ito.

“Actually, kuwento ko, binasted na siya ng ilang beses. Hindi isang beses. Not just once. Respectfully.

“And ‘yung taong ‘to kasi, sobrang marespeto, so every time na binabasted ko siya, hindi niya tine-take negatively. Parang nag-aano pa siya, para siyang nagpu-push pa siya,” she shared.

Ayon pa kay Mika, “sobrang bait” ng kanyang manliligaw.

“Sobrang bait niyang tao. So, sino ba naman ako para... kasi ilang beses na, eh,” aniya.

“Na-feel bad ako, pero I have to be honest with him. I really have to. Kailangan ko i-communicate ‘yung nangyayari sa situation ko ngayon. Kahit masakit, para sa kanya. Kung ano ‘yung pakiramdam ko ngayon, kung ano ‘yung nararamdaman ko para sa kanya ngayon. Mga ganoong moment.

“Hanggang sa nahilot ako nang nahilot nang nahilot. So, sino ba naman ang lalambot sa sobrang init na tao?” sey niya.

Kaya naman pinayagan na raw niyang manligaw ang lalaking ito.

“Ngayon, pinayagan ko na talaga siya manligaw. And man oh man, ayun ‘yung best decision na ginawa ko sa isang tao,” pagbabahagi niya.

‘Parang sa kanya ko nabigay ‘yung ganoong privilege. I must say privilege, para ligawan ako, kasi sobrang sarap mahalin nang tama,” dagdag niya.

“Kasi, ‘pag naramdaman mo na talaga ‘yung tamang pag-aalaga sa ‘yo, nanghina ako, ‘be,” sey pa ni Mika.

Siyempre, walang ibang hula ang fans kundi si Will Ashley kaya naman super-happy at kilig na kilig ang MikWill fans sa mga sinabi ni Mika.

Winwyn, galit na galit sa kasakiman ng mga pulitiko!

“Nakakaiyak. Nakakagalit. Nakakapagod.”

Ito ang hinaing ni Winwyn Marquez sa dinaranas na paghihirap ngayon ng ating mga kababayan dahil sa baha na nagdulot na naman ng matinding perwisyo, pagkasawi at pagkawasak ng tahanan ng maraming mamamayang naapektuhan.

Sa kanyang Facebook account, naglabas ng galit at pagkadismaya ang beauty queen/actress sa malungkot na nangyayari sa ating bansa.

“Hindi dapat ganito. Walang pamilyang dapat mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kapabayaan, incompetence, at kasakiman ng mga taong nasa posisyon at dapat naglilingkod sa taumbayan. People deserve better!!” pahayag niya.

“Mother Nature can be unpredictable. We cannot control when disasters happen or how powerful they can become. But we can prepare. We can build better systems. We can act before it’s too late,” patuloy niya.

“Hindi natin kontrolado ang kalikasan, pero may mga bagay na kaya nating paghandaan at maiwasan.....kung ginagawa lang nang maayos ang trabaho.

“Filipinos deserve better!!” pagtatapos niya.

Very well said, Winwyn!

MIKA SALAMANCA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with