^

Bansa

Gun violence sa Pinas: Puwedeng mag-hire ng gunman sa P5K

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gun violence sa Pinas: Puwedeng mag-hire ng gunman sa P5K
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng kanyang mga supporters sa The Hague, Netherlands, sinabi ni Duterte na ang implementasyon ng isang programa ng gobyerno masama man ito o mabuti ay hindi matatawag na isang “crime against humanity.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Upang ilarawan ang sitwasyon ng ‘gun violence’ sa Pilipinas, inihayag ni Vice President Sara Duterte na maa­aring umupa ng isang gunman sa Pilipinas sa halagang P5,000.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng kanyang mga supporters sa The Hague, Netherlands, sinabi ni Duterte na ang implementasyon ng isang programa ng gobyerno masama man ito o mabuti ay hindi matatawag na isang “crime against humanity.

“Now, the implementation of a program, whether it was good or bad, is not a crime against humanity,” aniya.

Ang nasabi aniyang krimen ang ibinibintang ng International Criminal Court na ginawa ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayang Pilipino.

Idinagdag pa niya na hindi pa napatutunayan ng ICC  na ang lahat ng nakalistang biktima sa kaso ay napatay dahil sa drug war, at iginiit na karaniwan ang karahasang may kinalaman sa baril sa Pilipinas.

Upang ipaliwanag ang kanyang punto, nagbigay si Duterte ng isang halimbawa.

“I have a husband. My husband has a mistress. I can hire a gunman for 5,000 pesos to kill the mistress. That is how—for 5,000 pesos—that is how bad gun violence in the Philippines is,” aniya.

Tinanong pa ni Duterte kung paanong ang lahat ng “listed victims” at complaints ay diumano’y mga biktima ng drug war gayung puwede namang meron din sa kanilang biktima ng “crime of passion,” murder dahil sa third party sa isang relasyon o isang “plain holdup.”

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with