^

PM Sports

Converge umeskapo sa Terrafirma

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinakas ng Converge ang dramatikong 105-103 panalo kontra sa Terrafirma para sa ikalawang dikit na ratsada sa Group A ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagawa ito ng FiberXers bagama’t umiskor lamang si balik-import Jalen Hudson ng dalawang puntos sa loob ng 29 minutong paglalaro kumpara sa kinolektang 40 points, 11 rebounds at 5 assists ni Dyip import Justin Strings.

“Bigyan pa natin siya ng chance, nag-perform naman siya last game namin,” sabi ni Converge coach Delta Pineda sa dating reinforcement ng nagdedepensang TNT Tropang 5G.

Humakot si center Justin Arana ng 31 points, 10 rebounds at 3 assists habang may 19 markers si Juan Gomez de Liaño para sa 2-0 record ng FiberXers.

Nag-ambag si Justine Baltazar ng 16 points, 14 boards at 2 blocks.

Kagaya ng kanilang 100-101 muntikang pagsilat sa NLEX Road Warriors, halos makaagaw din ng panalo ang Dyip na laglag sa 1-2 kartada.

Ipinoste ng Converge ang isang 16-point lead, 80-64, sa huling 2:52 minuto ng third quarter, ngunit naputol ito ng Terrafirma sa 84-91 sa likod nina Strings, CJ Catapusan at Juami Tiongson sa 6:44 minuto ng fourth quarter.

Muling nakalayo ang FiberXers sa 100-89 galing sa three-point shot ni De Liano sa 5:01 minuto ng laro bago makadikit ang Dyip sa 103-105 mula sa triple ni Tiongson.

Talbog ang tangkang tres ni Hudson at four-point shot ni Baltazar sa panig ng Converge na nagbigay ng posesyon sa Terrafirma.

Binutata ni Baltazar ng FiberXers ang tira ni Dyip forward Aljon Mariano sa natitirang 23 segundo.

Nagkaroon ng tsansa si Maverick Ahanmisi na maipanalo ang Terrafirma kundi lamang nagmintis ang kanyang 3-point attempt sa pagtunog ng final buzzer.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with