^

PM Sports

Alas ‘di kinaya Cambodia

Elech Dawa - Pang-masa

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines — Nasilayan ang matikas na laro ng Alas Pilipinas pero mas naging determinado ang Cambodia sa unang araw ng Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) men’s division na nilaro kahapon sa Candon Arena.

Pinayuko ng Cambodia ang Alas Pilipinas, 25-23, 28-30, 25-20, 22-25, 15-8 upang ilista ang 1-0 karta at manguna sa tuktok ng Pool B habang nalasap ng huli ang unang kabiguan.

Mainit ang naging labanan sa unang apat na sets kung saan ay nagtabla ang dalawang koponan sa tig-dalawang set na panalo sa event na pinamahalaan  ni Candon City Mayor Eric Singson at suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.

Subalit humarurot ang Cambodia sa kaagahan ng fifth frame nang mahawakan nila ang four-point lead, 7-3, kaya naman pinanghinaan ng loob ang Alas Pilipinas na makakaharap nila ang 2025 SEA V. League second leg champion Indonesia bukas ng alas-5:30 ng hapon.

Tumikada Joshua Magalaman ng 21 points mula sa 15 attacks, apat na blocks at dalawang service aces habang bumakas si Jude Garcia ng 20 markers para sa Alas Pilipinas. 

Kailangan manalo ng Alas Pilipinas upang umusad sa susunod na phase na magtatapos sa Linggo.

Aabante ang top two teams sa bawat pool sa semifinals sa Sabado at sa Linggo naman ang championship game.

Samantala,  kinahon ng first leg champion Thailand ang unang panalo matapos nilang payukuin ang Vietnam, 33-31, 18-25, 25-19, 25-16 para ilista ang 1-0 card sa Pool A.

Pinamunuan ni Chaiwat Thungkham ang opensa ng Thais para sa nirehistrong 21 points kasama ang 17 attacks at tig-dalawang service aces at blocks habang bumakas si Amornthep Khonhan ng 14 markers.

Pang No. 66 sa FIVB world rankings, kinaila­ngan ng Thais ng 41 minuto upang tapusin ang Vietnam at mapalapit sa inaasam na korona.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with