Matibag pinayagang tumestigo sa Hulyo 20

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Senate impeachment court na maagang tumestigo si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa darating na Hulyo 20, isang araw bago ang kanyang opisyal na biyahe patungong Bangkok, Thailand para sa isang regional summit.
Una nang humiling si Matibag sa prosecution panel ng Kamara na paagahin ang kanyang pagtestigo dahil kailangan niyang dumalo sa Regional Summit on Scam Center Compounds and Transnational Organized Crime sa Bangkok sa Hulyo 21-22.
Hindi agad pumayag ang depensa ni VP Sara. Maging si Senator-Judge Alan Peter Cayetano ay kinuwestiyon ang kahilingan. Ngunit matapos ang pagsusuri, si Senate President Sherwin Gatchalian mismo ang nagpasya na ipatawag si Matibag sa Hulyo 20 sa pamamagitan ng subpoena.
Ayon kay Gatchalian, ang pagbabago ng iskedyul ay magbibigay ng dagdag na oras sa mga senator-judges upang masuri ang mga ebidensya at makapagtanong nang mas maayos. Dagdag pa niya, makakabiyahe si Matibag sa gabi matapos ang kanyang pagtestigo.
Binigyang-diin ni Gatchalian na mahalaga ang regional meeting sa Bangkok. Sakaling hindi makumpleto ang testimonya ni Matibag, maaari naman itong ipagpatuloy matapos ang kanyang summit sa Singapore.
Sa huli, inaprubahan ni Presiding Officer Senator Chiz Escudero ang panukala. Ang testimonya ni Matibag ay nakasentro sa grave threats laban sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- Latest























