^

Metro

Kelot na wanted sa kasong frustrated murder, kalaboso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

12-taong pagtatago sa batas

MANILA, Philippines — Matapos ang 12-taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong frustrated murder sa ikinasang operas­yon sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Nasa kostudiya na ng Pasay City Police ang suspek na si alyas “Ron-ron”, 41, at residente ng Maricaban, Pasay City  at itinuturing na high-profile fugitive at ikinakategor­ya bilang Most Wanted Person dahil sa 12-taong pagtatago mula sa kinakaharap na kasong frustrated murder.

Batay sa ulat ng Pasay City Police Station - Sub-station 7 (Maricaban), nabatid na dakong alas-9:20 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Saint Peter St., sa Maricaban, Pasay City.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon laban sa kanya.

Hindi na nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jesus D. Mupas, Presiding Judge ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 112, noong Marso 6, 2014.

Nagtakda naman ang pulisya ng P200,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with