^

Bansa

Ouano tandem, unstoppable victory - HKPH-ARC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Inilabas ng HKPH Public Opinion and Research Center (HKPH), katuwang ang Hong Kong based na Asia Research Center (ARC), ang pinakabagong resulta ng kanilang independent at non-commissioned survey na sumasalamin sa umiinit na pulitika ng Mandaue City sa nalalapit na 2025 elections.

Sa laban para sa kongreso, nangi­ngibabaw si incumbent Rep. Emmarie “Lolypop” Ouano-Dizon matapos makakuha ng 82.7% suporta mula sa mga botante. Malayo ang agwat ng kanyang katunggali na si dating Mandaue City Treasurer Atty. Regal Oliva na nakakuha lang ng 16.9%.

Samantala, sa pagka-alkalde, si Board Member Thadeo “Jonkie” Ouano ang may malinaw na bentahe matapos makuha ang 55.2%, kumpara kay dating Mayor Jonas Cortes na may 43.4%.

Ayon sa mga tagamasid, may malinaw na pagbabago sa ihip ng hangin sa pulitika ng Mandaue, kung saan tila muling ipinagkakatiwala ng mga botante sa pamilyang Ouano ang pinakamataas na posisyon sa lungsod.

Dagdag pa rito, mabigat umanong bagahe ang dating pagkakasibak sa puwesto ni Cortes na patuloy na bumabawas sa kumpiyansa ng publiko sa kanyang liderato.

Isinagawa ang face-to-face survey Marso 25-30, 2025 na may 3,500 random respondents.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with