^

PSN Palaro

Bolts kakapit sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts kakapit sa liderato
Lalabanan ng Bolts ang Beermen ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng Magnolia Hotshots at Converge Fi­berXers sa alas-5 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang pagpoposte ng ikatlong sunod na panalo para patuloy na solohin ang liderato ang misyon ng Meralco kontra sa San Miguel sa Season 49 PBA Philippine Cup.

Lalabanan ng Bolts ang Beermen ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng Magnolia Hotshots at Converge Fi­berXers sa alas-5 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Bitbit ng Meralco ang 2-0 record kasunod ang San Miguel (1-0), Magnolia (1-0), Converge (1-1), Terrafirma (1-1), Blackwater (0-1), NLEX (0-1) at Phoenix (0-2).

Kinuryente ng Bolts ang Dyip, 118-80 habang nila­sing ng Beermen ang Road Warriors, 98-89, sa huli nilang mga laro.

Isusuot ng Meralco at SMB ang kanilang mga retro jersey bilang pagdi­riwang sa PBA Golden Anniversary.

Libreng makakapanood ang mga fans na may edad 50-anyos o ipinanganak noong 1975 para sa pagdiriwang ng PBA sa kanilang ika-50 anibersaryo.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kailangan lang magdala ang mga fans ng valid I.D para makapasok sa venue.

Para sa mga PBA fans na hindi ipinanganak noong 1975 ay maaari silang makabili ng lower box ticket sa halagang P50 bilang selebrasyon din ng PBA Golden Anniversary.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->