^

PSN Palaro

TNT sasalang sa training camp

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos dalawang linggo lamang magpapahinga ang TNT Tropang Giga matapos pagharian ang Season 49 PBA Commissioner’s Cup para paghandaan ang Philippine Cup.

Nakatakdang sumalang ang Tropang Giga sa isang five-day training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sa Abril 14.

Magbubukas ang Phi­lippine Cup sa Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Inaasahang sasabay sa ensayo ng TNT ni coach Chot Reyes si 6-foot-8 Brandon Ganuelas-Rosser na nagkaroon ng left knee injury sa kanilang quarterfinal series ng Rain or Shine sa nakaraang Season 48 Philippine Cup.

Malaking tulong ang 30-anyos na si Ganuelas-Rosser kina Poy Erram at one-time PBA MVP Kelly Williams sa frontline ng Tropang Giga.

Maghahanap din ang TNT ng isang point guard para saluhin ang naiwang trabaho ni veteran playmaker Jayson Castro na sumailalim sa surgery para sa kanyang ruptured patellar tendon sa kanang tuhod.

Hangad ng Tropang Giga ang pambihirang PBA Grand Slam matapos pagharian ang nakaraang PBA Governors Cup at Commissioner’s Cup kontra sa karibal na Ginebra Gin Kings.

“There is going to be tremendous pressure on us. There’s going to be a huge target on our backs,” wika ni Reyes na nakamit ang ika-11 PBA titles sa paghahari ng TNT sa nakaraang torneo.

Sasalang ang Tropang Giga sa Abril 23 katapat ang NLEX Road Warriors sa alas-5 ng hapon.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->