^

Kutob

Abril 1, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mainis kung nagiging makulit ang nakapaligid sa iyo. Dahil sadyang lapitin ka ngayon ng mga ito. Tawanan lang ang mga nanadya, sikapin na hindi pumatol sa may sapak. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at oak brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hayaang maramdaman ng minamahal ang pagkamaalalahanin mo. Patunay ito na tapat ka sa iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ng pagkainip. Tamang panahon ngayon para sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at baby pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Isipin na lamang na kaya masaya ang minamahal ngayon dahil sa naging mapagparaya ka at hindi naging makasarili. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit sa minamahal ay lalo lamang mawawalan ng tiwala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at blue gray.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag hayaang maging katatawanan ng lahat.Ang pagiging kakaiba ay hindi batayan para ma-ging sentro ng usap-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at off-white.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maging maingat sa mga salita ng hindi mapahiya sa kapwa. Pero huwag damdamin, dahil makakabawi ka rin sa ibang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at old rose.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ngayon mo mare-realize na hindi lahat ng nakakarating s aiyo ay totoo. Huwag magdalawang-isip na gawin ang tama. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag magkimkim ng sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35,42 at yellow orange.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magiging masaya ang susunod na mga araw. Makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at pale yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Isiping mabuti ang da-pat gawin. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang mga desisyon na walang katuturan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac.

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with