Marso 30, 20025
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Kung may karamdaman, iwasan uminom ng gamot na hindi inireseta ng doktor, baka ma-allergy. Huwag basta maniwala sa iminungkahi ng iba. Iwasan ang magbuhat dahil may kahinaan ang likod at baywang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 39, 43 at ocean blue.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Masaya ang gagawing pakipkisalamuha sa ibang mga tao ngunit mag-ingat, may bantang may mawala sa iyo. Lucky num-bers at color for the day ang 8, 9, 14, 41 at violet.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Kung tutuusin kayang-kaya mo ang mga gawain na nakaatang sa balikat, pero sa labis na tiwala sa sarili, magkakamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 19, 24 at yellow.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Kung may oportunidad na makapagpatayo ng negosyo, dapat simulan ngayon dahil magiging maunlad ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 17, 29 at white.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Magiging maikli ang iyong pasensya at may gawain kang basta iiwan na lamang. Sikapin na maging kalmado. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Wala kang pagdududa sa sarili at malakas ang loob na sumubok sa bagong istratehiya. Dahil dito, proud ka sa resulta. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 31, 36 at fuchsia.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Kung hindi ka mag-ii-ngat, malamang ikaw ang pagmumulan ng gulo sa trabaho. Iwasan ang pagpuna sa gawain ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 36, 39 at aquamarine.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Gawing presentable palagi ang sarili dahil ito ang malaking puhunan upang magtagumpay sa propesyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 33, 39 at orange.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Isang matagal na problema ang mabibigyan ng sapat na tugon at mareresulba. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 32, 38 at cream.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Mag-ingat at protektahan ang kapakanan sa lalapit na gusto kang mapagsamantalahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 28, 37 at blue.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Nakadepende sa gagawing hakbang ang kahihinatnan ng gawain o sa negosyo. Huwag manlalamang sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 34, 42 at brown.
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Huwag asahan ang pa-ngarap. Kumilos upang magkatotoo ang mga plano. Magiging kapanalig ang kumukontra sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 34, 41 at green.
- Latest