^

Punto Mo

EDITORYAL - Masakit na sa taynga ang korapsiyon sa BI

Pang-masa
EDITORYAL - Masakit na sa taynga ang korapsiyon sa BI

MATINDI ang korapsiyon sa Bureau of Immigration (BI). At hindi mawawala ang korapsiyon sa BI hangga’t ang mga nagiging commissioner sa tanggapan ay walang determinasyon na lipulin ang mga hayok na buwaya. Hindi na nakaahon sa mga usapin na may kinalaman sa pamemera ang tanggapan. Halos lahat ng mga nangyayari sa BI—mula sa pagtakas nina Alice Guo at mga kasama hanggang sa pagtakas ng mga puganteng Koreano kamakailan ay pawang pera ang lumalabas na kumilos. Nakakahiya!

Sa pagdinig ng Senado noong Martes, inamin ng puganteng Koreano na si Na Ikhyeon na sinuhulan niya ng P6 milyon ang mataas na opisyal ng BI at isang police official para makatakas sa Immigration. Ayon sa Koreano, ang BI official ay nagngangalang “Paul” at nag-oopisina sa Intramuros samantalang ang pulis ay nagngangalang “Raul”.

Sabi naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, sinibak na ang dalawang Immigration personnel na nagpatakas sa Koreano. Mariin din niyang sinabi na walang BI official na nagngangalang “Paul”.

Kinumpronta ni Sen. Risa Hontiveros si Viado sa mga nangyayaring korapsiyon sa BI. Sabi ni Hontiveros, masyadong “masakit na sa taynga” ang mga nangyayaring korapsiyon sa Immigration. Noong 2021, ibinulgar ni Hontiveros ang “pastillas scam modus” sa Immigration kung saan walang kahirap-hirap na nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na walang travel documents basta maglagay lang ng pera sa mga korap na Immigration personnel. Binibilot na parang pastillas ang perang suhol para hindi mabuking.

Hinamon naman ni Viado si Hontiveros na ipagbigay-alam sa kanya ang mga nangyayaring korapsiyon sa BI at willing daw siya na imbestigahan ito. Kailangan daw ay may matibay na ebidensiya bago magsampa ng kaso. Hindi raw dapat mahantong sa fishing expedition ang lahat.

Habang may mga puganteng Koreano at iba pang dayuhan na “ginagatasan” ng mga korap sa BI, hanggang ngayon naman ay hindi pa natutunton ng tanggapan kung paano nakatakas sina Alice Guo at mga kasama noong Hulyo 18, 2024. Siyam na buwan na ang nakararaan mula nang makatakas sina Guo at mga kasama, wala pa ring masabi ang BI kung paano nakatakas ang mga ito. Hindi na nakapagtataka kung hindi rin nila nalaman ang paglabas sa bansa ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na ngayon ay nasa The Netherlands.

Kailangan ang reporma sa BI. Ang paglilinis—top to bottom, ang dapat isagawa. “Masakit na sa taynga” ang korapsiyon sa BI!

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad