‘Pala’ (Part 20)
Dahil sa mga narinig ko kay Mam Socorro na pagtatagumpay ng kanyang father, lalo akong nagsumikap. Naging inspirasyon ko ang pagtatagumpay ng father ni Mam Socorro.
Lalo kung pinagbuti ang pagtatrabaho kay Mam Socorro. Ang kanyang malaking bakuran ay tinaniman ko ng mga gulay at iba pang halaman. Ang gamit ko sa pagtatrabaho ay ang aking pala.
Tuwang-tuwa si Mam sa nagawa ko sa kanyang bakuran. Pero nagpaalala siya sa akin na ang dapat ko raw tutukan ay ang aking pag-aaral. Yun daw talaga ang purpose niya kaya inalok akong mag-aral sa Maynila. Kailangang makapagtapos daw ako para maging maunlad ang aking hinaharap. Kapag nakatapos daw ako ng civil engineering malaki ang pagkakataon na umunlad sa buhay, pati raw ang aking mga magulang ay mababago ang buhay—hindi na maghihirap.
Sa libreng panahon ko lang daw gawin ang pagtatrabaho sa garden.
Sinunod ko si Mam. Pagkalipas ng apat na taon, nagtapos ako ng civil engineering. Tuwang-tuwa si Mam. Nang mag-take ako ng board exam, kasama ako sa top ten. Lalong natuwa si Mam. Halos napaiyak siya sa tuwa.
(Itutuloy)
- Latest