^

PM Sports

Parade King hari sa MHP Trophy Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilampaso ng Parade King ang mga katunggali upang sikwatin ang panalo sa MHP - Monsour Del Rosario Trophy Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado.

Humarurot sa largahan ang Parade King pero hinabol agad siya ng District One upang makipagtagisan ng bilis sa unahan, nasa tersero naman ang Cowboy Silver at pang-apat ang Flaming June.

Pagsapit sa kalagitnaan ng karera ay todo lutsahan ang Parade King at District One subalit mas naging matindi ang labanan sa far turn dahil kumapit na rin sa unahan ang Cowboy Silver at Flaming June.

Papalapit ng huling kurbada ay naka-ungos ng bahagya ang Parade King ng isang kabayo ang lamang sa Flaming June habang muling lumapit sa unahan ang District One.

Balikatan ang bakbakan sa rektahan, nasa tabing balya ang District One na sinakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce habang sa labas dumaan ang Parade King na nirendahan ni veteran rider Mark Angelo Alvarez.

Sa huling 75 metro ng karera ay umabante ng bahag­ya ang Parade King kaya tinawid nito ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang District One.

Nilista ng Parade King ang tiyempong 1:28 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P15k added prize.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->