Hornets nagpaulan ng 26 triples
SAN ANTONIO - Tumipa si LaMelo Ball ng 27 points at 14 assists at nagsalpak ang Charlotte Hornets ng franchise-record na 26 three point shots sa 145-134 pagpapatumba sa Spurs.
Nagdagdag si Nick Smith Jr. ng career-high 26 points para sa Charlotte (17-49), habang may 21 at 20 markers sina Miles Green at Josh Green, ayon sa pagkakasunod.
Nagsalpak si Ball ng pitong triples sa pagtambak sa San Antonio (27-38) ng 31 points.
Hindi naglaro si Spurs star guard De’Aaron Fox na sasailalim sa isang season-ending surgery para ayusin ang tendon damage sa kanyang kaliwang daliri.
Nagtala si Stephon Castle ng 26 points at may 22 markers si Devin Vassell.
Sa Denver, ipinasok ni Jamal Murray ang isang tres sa huling 5.6 segundo, habang inagaw ni Russell Westbrook ang inbounds pass para sa kanyang exclamation-point dunk sa 131-126 pagpapabagsak ng Nuggets (43-24) laban sa LeBron James-less Los Angeles Lakers (40-25).
Sa Minneapolis, bumira si Anthony Edwards ng 28 points sa 118-111 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (39-29) sa Orlando Magic (31-37).
- Latest