^

Probinsiya

Detachment ng militar grinanada: 4 sundalo sugatan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Sa gitna ng Ramadan sa Maguindanao

MANILA, Philippines — Sugatan ang apat na sundalo makaraang hagisan ng granada ng motorcycle riding-in-tandem ang kanilang detachment o patrol base sa Brgy. Madia, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Sa report ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM ) Police, kinilala ang mga nasugatang biktima sa mga apelyido lamang ng mga itong Corporal Awing, Staff Sgt. Cordero, Pfc Gundayao at Pfc Felix; pawang ng Army’s 62nd Infantry Battalion (IB).

Bandang alas-7:20 ng gabi nang mangyari ang paghahagis ng granada sa Madia Detachment sa nasabing lugar.

Ayon naman kay Col. Roden Orbon, spokesman ng 6th Infantry Division (ID), ng Philippine Army, sakay ang mga suspect ng isang kulay dilaw na Honda XRM motorcycle nang umatake.

“Nakalulungkot sapagkat nangyari ang insidenteng ito sa panahon ng banal na paggunita ng Ramadan --isang sagradong panahon ng kapayapaan, pagninilay, at pagkakaisa ng ating mga kapatid na Muslim. Ang ganitong uri ng karahasan ay walang puwang sa isang lipunang nagsusumikap na magkaroon ng pagkakaunawaan at kapayapaan,” anang opisyal.

Sinabi ng opisyal na kasalukuyang naka-duty sa nasabing detachment ang mga sundalo nang biglang mag­hagis ng granada ang mga tandem suspect na kanilang ikinasugat at ngayo’y pawang inoobserbahan sa ospital.

RAMADAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with