Magaling na aktres at gwapong aktor aabot na sa demandahan ang relasyon
Hindi pa sapat ang pagsasalita nina Maris Racal at Anthony Jennings at paghingi nila nang patawad sa publiko.
Hati pa rin ang simpatiya ng mga tao. Pero ang napapansin ko, ilan sa mga nakatrabaho nila ay hindi natuwa sa mga nangyari. Pero tahimik na lamang sila, at ayaw na nilang palalain pa ang isyu.
Noon pa man ay PDA na raw sila, kahit sa pagkakaalam nila ay hindi pa break sina Anthony at ang girlfriend niyong si Jamela Villanueva.
Si Mariz daw ang sobrang clingy kay Anthony, na hinahayaan na lang ng aktor.
Ang dating daw noon ay para lang sa loveteam, pero minsan ay parang hindi na tama. Kaya sa halip na nakuha nila ang simpatiya nang lahat, meron pa ring nairita at sa tingin nila tama lang itong nangyari sa kanila. Consequence na ito sa mga kalandiang ginawa nila.
Pero nangyari na at ngayon ay nasa crisis management ang Star Magic at ABS-CBN kung paano nila maibabalik ang magandang pagtingin ng mga tao sa kanila.
Naalala tuloy namin ang matagal nang kuwento sa amin tungkol sa magaling na aktres at guwapong aktor na tila nagkadebelopan na raw sa trabahong pinagsamahan nila.
Pero tahimik lang sila at illan lang daw ang nakakaalam. Hanggang sa tumabang na ang dating matamis na pagmamahalan, nangangamba ang ilan sa mga taong malapit sa kanila na baka umabot pa raw sa demandahan ang ending nito.
Abangan na lang natin kung mabubunyag isa sa mga araw na ito.
Pero sinisikap pa ring maging tahimik na lang at maayos na lang sana ang paghihiwalay.
Dennis, nag-iba ang personalidad
Malapit nang matapos ang Pulang Araw at patindi na ang mga napapanood natin gabi-gabi.
Sa Netflix ko ito sinusubaybayan, dahil gusto ko nang malaman agad ang susunod na magaganap.
Nitong mga huling episode ay ang daming moments in Rochelle Pangilinan bilang si Amalia, hanggang sa namatay ang karakter niya.
Pero ang consistent talagang magaling dito ay sina Barbie Forteza at Dennis Trillo.
Iba na ang nararamdaman ko rito kay Dennis bilang si Col. Yuta Saitoh. Manggigigil ka talaga sa sobrang inis sa kanya.
Kung puwede lang gusto ko nang kausapin si Dennis na pagkatapos nitong Pulang Araw ay tumigil na muna siya sa pagtanggap ng mga kontrabida roles.
Mabuti na lang at ibang-iba naman ang role niya rito sa MMFF entry ng GMA Pictures na Green Bones.
Sa trailer pa lang ay kitang-kita na ang sobrang galing ni Dennis dito.
Kaya nakikita nang mahirap siyang talunin bilang best actor.
Pero hindi na raw iniisip iyun ng Kapuso actor.
Ang gusto lang daw nila ay maiparating sa mga manonood ang mensahe ng Green Bones.
“Sigurado akong maapektuhan sila dito,” pakli ni Dennis sa nakaraang media conference ng Green Bones.
“Ibang klase ng ahh kung papano sila naapektuhan nang panonood ng Pulang Araw.
“Dito sa proyekto na ‘to, naniniwala kami dahil hindi ka lang ma-entertain, matuto ka. Marami kang malalaman pagkatapos mong panoorin ang pelikula. Ang importante, mai-apply mo sa sarili mong buhay,” dagdag niyang pahayag.
Malakas ang ugong na hahakutin ng Green Bones ang awards sa MMFF. Challenging ito sa team din ng Firefly na nagwagi ng iba’t ibang award sa naturang filmfest nung nakaraag taon.
- Latest