^

Pang Movies

Juday, walang bitterness kay Ate Vi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Juday, walang bitterness kay Ate Vi
Vilma Santos.
STAR/ File

Gets na gets ni Judy Ann Santos ang paliwanag ni Star For All Seasons kung bakit mas pinili nito ang Uninvited kaysa sa Espantaho.

Ang Espantaho sana ang first movie together nina Juday at Ate Vi with Chito Roño in the helm pero in-offer din sa Star For All Seasons ang Uninvited with Aga Muhlach and Nadine Lustre at ito ang kanyang tinanggap.

Both movies are official entries to 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25.

Sa presscon ng Uninvited kamakailan ay ipinaliwanag na ni Ate Vi ang side niya for not accepting Espantaho.

Ayon kay Juday sa presscon naman kahapon ng Espantaho, marahil daw ay hindi pa talaga ito ang panahon para magsama sila ng Star for All Seasons.

“Feeling ko naman, everything happens for a reason,” aniya.

“Ang importante, natuloy ang pelikula at natapos, nabuo. Again. Maaaring hindi ito ‘yung time na magsama kami ni Ate Vi. I mean, naniniwala ako na darating ang panahon na may perfect project for us,” she added.

Sey pa ni Juday ay naiintindihan naman daw niya ang paliwanag ni Ate Vi at wala raw kaproble-problema sa kanya.

“Naniniwala naman din ako sa explanation ni ate Vi. Gets na gets ko so there’s really nothing to. . . Walang comparison, eh,” anang aktres.

Si Lorna Tolentino ang pumalit kay ate Vi sa Espantaho at sa paniwala ni Juday ay meant to be sa kay LT ang role the same way na meant to be sa Star for All Seasons ang Uninvited.

“Sa akin naman, kung kanino nag-land ‘yung role, ibig sabihin, siya ‘yung perfect sa role, ‘di ba?

“And when I saw the trailer of  Uninvited, ay oo nga, tama ‘yung desisyon ni ate Vi. Napakaganda ng ano ng trailer, ang intense ng character niya and I think, as an actor, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit naging ganu’n ‘yung desisyon niya,” pahayag ni Juday.

Tungkol naman sa Espantaho, ayon kay Judy Ann ay matagal na raw pangako sa kanya ni direk Chito na na gagawa sila ng horror movie.

Tinawagan daw siya ng tinaguriang Master of Horror to inform her na tutuparin na niya ang pangako niya na gagawa na sila ng horror film na si Atty. Joji Alonzo of Quantum Films ang producer at si Chris Martinez naman ang writer. Kaagad niya raw itong inokeyan.

“Hindi mo kailangang malaman kung ano ‘yung synopsis ng isang pelikula o isang proyekto kung malaki ang tiwala mo. May foundation ang pelikula, eh. So, sila ‘yun – Atty.Joji, direk Chito and Chris,” sey ni Juday.

“So, I am so very lucky na nakasama kami, magkakasama kami ng mga artista sa isang nakagandang pelikula that’s for 50th Metro Manila Film Festival. It doesn’t always happen, it will never happen again.

“’Etong ensemble na ‘to, ilalaban ko ‘to. I mean, we really had fun working together. Bundat na bundat kami sa bawat araw ng shooting namin, at para kaming hindi gumagawa ng horror dahil tawa kami nang tawa,” saad pa ni Juday.

Aside from Juday and LT, kasama rin sa Espantaho sina Eugene Domingo, Chanda Romero, Janice de Belen, Mon Confiado, Niko Antonio, and Tommy Abuel among others.

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with