^

Bansa

Manhunt ops vs Harry Roque nilarga ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Manhunt ops vs Harry Roque nilarga ng PNP
Former presidential spokesperson and congressman Harry Roque Jr. answers questions at the House of Representatives Quad Committee hearing on Aug .23, 2024.
HREP

MANILA, Philippines —Sumabak na rin sa manhunt operation laban kay dating Presidential spokesperson Harry Roque ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) na idineklarang pugante ng Quad Committee ng Kamara.

“The PNP is now fully engaged in the manhunt for Atty. Harry Roque, and we are coordinating closely with the National Capital Region Police Office and the Criminal Investigation and Detection Group to ensure his swift apprehension,” pahayag ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, co-chair ng Quad Committee.

Muling pinatawan ng contempt si Roque noong Huwebes matapos hindi dumalo sa pagdinig kaugnay sa ilegal na operasyon ng POGOs sa bansa.

Bukod sa mga subpoena, isinilbi rin dito ang arrest order sa tanggapan nito sa Makati City pero hindi ito natagpuan. Huli umanong nakita si Roque sa Antel Corporation Centre sa Makati City.

Nagsususpetsa naman ang mga awtoridad, na nagtatago si Roque ngayong unti-unti nang nabubulgar ang koneksyon nito sa Lucky South 99, ang POGO hub na ni-raid ng mga awtoridad sa Porac, Pampanga na nakumpiskahan ng bulto ng droga.

Kabilang sa ipinasusumite ng Quad Comm kay Roque ay ang mga dokumento tulad ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth, rekord ng Biancham Holdings na pag-aari ng kaniyang pamilya gayundin ang dokumento sa pinagbentahan nito ng lupain sa Parañaque City.

Una nang kinuwestiyon ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro si Roque kung paano lumobo ang investment nito ng P67 milyon sa loob lamang ng ilang buwan gayong P3-M lamang ang ipinasok nitong pamumuhunan habang ang pinagbentahan ng lupain sa Parañaque ay nasa P7-M lamang.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with