^

Bansa

Mabilog gigisahin ng Quad Comm sa ilegal na droga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang imbitahan ng House Quad Comm si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog para magbigay linaw sa kanya umanong kinalaman sa ilegal na droga, batay sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iniimbestigahan ng Quad Committee, na binubuo ng House committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ang umano’y pagkakaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs, money laundering, at extrajudicial killings (EJKs) sa panahon ng Duterte administration.

Umalis ng bansa si Mabilog noong 2017 matapos isama ni Duterte sa drug watch list at inakusahang “protektor” ng mga sindikato ng droga sa Iloilo City.

Tinawag din ni Duterte ang Iloilo City na “most shabulized” na siyudad sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Mabilog. Ngayong wala na sa puwesto si Duterte, nagpasya si Mabilog na bumalik sa bansa bitbit ang pag-asa ng patas na pagtrato mula sa kasalukuyang gobyerno.

Ngunit hindi pa lusot si Mabilog dahil plano ng Department of Justice (DOJ) na gisahin siya tungkol sa kanyang umano’y kinalaman sa ilegal na droga.

“I think it's just right that we ask him these questions about his being in the drugs watch list and to give his side on it," wika ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Habang nasa ibang bansa, pinatalsik si Mabilog sa puwesto ng Office of the Ombudsman matapos mapatunayang guilty sa “serious dishonesty” kaugnay ng umano’y ilegal na yaman.

Una nang sinabi ni Remulla na nagbalik si Mabilog sa bansa para bawiin ang dating puwesto, dahil bumalik ito tatlong linggo bago ang paghahain ng certificates of candidacy para sa 2025 national at local elections.

vuukle comment

QUAD COMMITTEE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with