^

True Confessions

Hiyasmin (36)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SORRY kung naita­nong ko ang tungkol diyan, Hiyasmin. Nag­tataka nga lang ako sa magandang itsura ng face mo,’’ sabing nagpapaumanhin ni Dax makaraang sabihin ni Hiyasmin na anak ito ng Kuwaiti.

“Okey lang Sir Dax. Wala kang dapat ihingi ng sorry.’’

“Paano nangyari yun?’’

“Ang mama ko po ay naging domestic helper sa Kuwait—dalaga po siya nang maging DH.’’

“Tapos?’’

“Nakarelasyon po ni Mama ang anak ng kanyang amo. At ako ang naging bunga.’’

Hindi agad naka­pagsalita si Dax. Nag-isip pa siya ng itatanong.

“Saan ka pina­nganak?’’

“Dito po sa Phi­lippines.’’

“Paano?’’

“Sabi ni Mama, nang malaman niyang buntis siya nagpasya na siyang umuwi kaysa malaman pa ng mga amo niya.’’

“Sinabi ba niya sa na­kabuntis sa kanya?’’

“Hindi na po nagpakita sa kanya ang lalaki—sa kamag-anak na raw tumira. Pero hula ni Mama, umiwas na talaga sa kanya. Kaya ang naisip niyang paraan, umuwi na sa Pinas kaysa doon lumaki ang tiyan.’’

“Pagdating niya rito, sinabi ba niya sa mga ma­­gulang ang kalagayan?’’

“Opo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with