^

PSN Showbiz

Lavender Fields umani ng 629,565 live concurrent views, trending online

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lavender Fields umani ng 629,565 live concurrent views, trending online
Jodi Sta. Maria at Jericho Rosales
STAR/File

Tinutukan at pinag-usapan ang debut episode ng Lavender Fields, ang pinakabagong drama-thriller series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Janine Gutierrez dahil sa misteryosong plot at mga karakter nito kaya naman umani ito ng 629,565 peak live concurrent views sa Kapamilya Online Live at nakakuha ng iba’t ibang trending topics sa social media.

Nangunguna rin ang serye sa Top 10 TV shows sa Netflix Philippines at naging isa sa most liked shows ng streaming platform. Pasok rin ito sa trending list ng X na may topics na #LavenderFields, #LavenderFieldsAngUnangTagpo, Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, Jodi as Jasmin Flores, at Jasmin Flores.

Sa pilot episode noong Lunes (Setyembre 2), nakilala ng mga manonood si Jasmin (Jodi), isang florist, na natagpuan ang isang sugatang Arthur (Jericho) sa kanyang hardin. Dahil sa pabalik-balik na pagbisita ni Arthur, tuluyan nang nahulog ang inosenteng dalaga.

Ngunit ang hindi alam ni Jasmin na pekeng katauhan pala ang ipinakita ni Arthur at ang tunay niyang pangalan ay Tyrone. Nalaman din ng viewers na nasa punto na ng hiwalayan ang relasyon ni Tyrone sa kanyang asawang si Iris (Janine), matapos ang insidente sa kanyang surprise birthday party.

Samantala, bumuhos naman ang papuri na natanggap ng show sa netizens dahil sa kapanapanabik na storyline at mahusay na pag-arte ng powerhouse cast.

Napapannod sa Lavender Fields tuwing weeknights simula 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with