^

Bansa

Mpox, walang konek sa HIV - experts

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mpox, walang konek sa HIV - experts
Passengers walk past the mpox awareness banner at Anna International Airport terminal in Chennai on August 21, 2024.
AFP / R.Satish Babu

Aktibong kaso msa Pinas, 8 na

MANILA, Philippines — Nilinaw ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na walang kaugnayan ang mpox (dating monkeypox) sa human immunodeficiency virus (HIV).

Noong 2022, natukoy na karamihan sa mga nahawahan ng mpox ay may HIV.

Sinabi na rin naman ng Department of Health (DOH) na ang mpox ay maaari ring maihawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at kinumpirmang ilan sa mga aktibong mpox cases sa bansa ngayon ay positibong nakipagtalik bago nakitaan ng sintomas ng sakit.

Paliwanag ni Solante, ang HIV ay ibang uri ng virus kumpara sa mpox. Ang HIV ay isang progresibong uri ng impeksiyon na talagang unti-unting sisirain ang immune system ng isang taong kinapitan nito.

Aniya pa, talagang mga sexually active individuals lang ang high risk dito dahil sa kanilang behaviors.

Gayunman, ang mga nasasangkot aniya sa mga ganitong uri ng se­xual behaviors ay high risk rin na mahawahan ng mpox, dahil ang naturang virus ay maaaring maisalin sa pamamagitan ng close at intimate na skin-to-skin contact.

Una nang kinumpirma ng DOH nitong Linggo na walo na ang aktibong kaso ng mpox sa bansa, matapos na makapagtala pa ng tatlong bagong kaso, dalawa ay nasa Metro Manila habang isa sa Calabarzon.

Ang tatlo ay pawang dinapuan umano ng mas mild na MPXV clade II.

Ang cases 15 at 16 ay mayroong anonymous sexual encounters sa higit isang partner, habang ang case 17 ay mayroong skin to skin sexual contact sa isa pang mayroong skin symptoms.

“The total case count is now 17 since July 2022. Nine cases have long recovered since 2023. Eight are active cases waiting for symptoms to resolve,” anang DOH.

vuukle comment

MPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with