^

PM Sports

Yulo nasa cloud nine pa rin

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tila nasa alapaap pa rin si world champion Carlos Yulo na kaliwa’t kanan ang natatanggap na blessings dahil sa dalawang gintong medalya na naiuwi nito sa 2024 Paris Olympics.

Milyornaryo agad si Yulo dahil sa cash incentives pa lang ng gobyerno, mayroon na agad itong natanggap na P20 milyon — 10 milyon kada gold medal.

May ibibigay pang karagdagang P14 milyon ang House of Representa­tives habang may tig-P5 milyon ang Arena Plus at si businessman Chavit Singson.

May karagdagan pang P3 milyon ang Megaworld kasama ang three-bedroom, fully-furnished condo unit sa McKinley Hill sa Taguig City na nagkakahalaga ng P32 milyon.

At marami pang iba mula sa iba’t ibang pribadong kumpanya na nagbigay ng pabuya sa world-class Pinoy gymnast.

Nadagdag pa ang brand new car mula sa Toyota.

Kaya naman umaapaw sa saya si Yulo na hindi pa rin makapaniwala sa mga nagyayari sa kanya.

“Sa ngayon talagang yung gold medal ang nasa isip ko sobrang saya ko po. Pero sobrang thankful din po ako sa lahat ng mga nagre-recognize sa aming mga atleta,” ani Yulo.

Sa kanyang ilang pa­nayam, inihayag ni Yulo na nais nitong i-invest ang ilang bahagi ng cash incentives nito habang ise-save nito sa bangko ang iba pang premyo.

“Ise-save po for future and invest din po,” ani Yulo.

Kabi-kabila rin ang TV guestings ni Yulo na bumisita rin sa Eat Bulaga kahapon.

Matapos ang guestings nais ni Yulo na magpahinga bago isentro ang kanyang atensiyon sa kanyang mga susunod na laban.

“Ngayon focus ako sa personal life ko to ba­lance it after stressful na competition. Mahaba haba na pagpa-plano at nakamit ko po ang pinapangarap ko sa buhay (ang gold sa Olympics). Salamat po talaga kay Lord,” ani Yulo.

Hangad ni Yulo na ipagpatuloy ang kanyang training kung saan pakay nitong lumahok sa mga training camps.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with