^

Punto Mo

PhilHealth funds, sino ang dapat makikinabang?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKING halaga kaya hindi nakapagtatakang mala­king ingay din ang nilikha ng kautusan ni President Bongbong Marcos na ibalik ang bilyones na pondo mula sa Philippine Health Insurance Corporation patungo sa kaban ng bayan. Sa kabila ng iba’t ibang reklamo at diumano’y iregularidad sa mga nakalipas na panahon, hindi maikakaila na nagbigay nang malaking tulong ang PhilHealth, lalo na sa mga mahirap na Pinoy na nangangailangan ng serbisyong medical.

Ngunit ano nga naman ba itong kaguluhang nagaganap tungkol sa pagsauli ng “unutilized” o hindi nagamit na pondo ng PhilHealth kaya ibinalik na lang sa national government? May nagsasabing ito ay hindi nararapat at illegal, kabilang na ang sector ng manggagawa na naghahandang magsampa ng kaso sa Korte Suprema laban dito. Dipugaaa!

Simplehan ko lang ang usapan tungkol dito mga kosa. Halimbawang ang Pinoy ay may sapat na ipon subalit dumating ang pagkakataon na kailangan silang pagkagastuhan. Ang tanong ay gagamitin mo ba ang iyong ipon o mas gugustuhin mo mangutang na lamang ngunit hindi maglalaon ay kailangan mong bayaran na may kalakip na interest. Kailangan pa bang pag-isipan ‘yan?

Naturalmente, higit na mainam ay ‘yung natatago mong pera ang gagamitin para nga naman hindi ka na magbayad ng interest. Ito rin naman ang ipinaliliwanag ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda kung bakit nararapat ibalik ang unutilized fund ng PhilHealth sa pondo ng bayan upang may panggastos sa pampublikong proyekto. E di Wow!

Nilinaw rin ni Salceda ang kaibahan ng “unutilized subsidies” sa “excess funds.” “Using PhilHealth’s P89.9 billion excess funds for government projects” might be misunderstood as the government reallocating money meant for healthcare. In reality, the P89.9 billion represents subsidies allocated by the government but not utilized by PhilHealth,” paliwanag ni Salceda.

Naglaan si BBM ng P162 billion pondo para sa  PhilHealth, at ito ay bukod sa premiums na binabayaran ng mga miyembro. “This means the government is not diverting money intended for healthcare,” paliwanag ni Salceda. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Naniniwala si Salceda na hindi nararapat na hayaang matulog ang sobrang pondo ng gobyerno at pigilan ang pag-invest nito sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang serbisyo sa publiko. Gets n’yo mga kosa?

“Low government spending reduces growth. Reduced growth creates poverty. Poverty creates hunger. Hunger creates disease,” dagdag pa ni Salceda. Sinusugan din ni Salceda ang paninindigan ng  Department of Finance na mas mabuting gamitin ang “unutilized subsidies for Unprogrammed Appropriations” kaysa sumingil ng dagdag buwis o mangutang para magkaroon ng pondo para sa mga government projects na makabubuti para sa ekonomiya at sa mga Pinoy. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Tama nga naman! Bakit mangungutang kung may sobrang pera at pahihirapan ang mga taong magbayad ng dagdag buwis. Subalit hindi mo rin maialis na magkaroon ng takot kung magagamit ba nang maayos ang pondong babawiin sa PhilHealth dahil maari rin namang bumagsak ang bilyones sa bulsa ng kung sinong Herodes sa gobyerno?

Yan ang masakit sa bangs pagnagkataon. Kailangan siguro bantayan at masiguro na maayos ang paggamit at walang kukupit sa pera ng taumbayan. Ang malaking tanong, paano? Abangan!

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with