^

PSN Showbiz

Manny Pacquiao, ayaw ipag-ingay ang pa-havey kay Caloy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Manny Pacquiao, ayaw ipag-ingay ang pa-havey kay Caloy!
Manny Pacquiao
STAR/File

How ironic ng buhay noh. Sabay sa news sina Carlos Yulo at Alice Guo, araw-araw may dagdag na prem­yo si Carlos Yulo, at si Alice Guo naman dagdag na kaso.

Ano kaya kung magkaroon ng love angle sina Carlos at Alice, bongga siguro ang mga news item, talagang magbabaga. Hahaha.

Ewan ko ba sa imagination ko kung bakit anu-ano ang pumapasok. Talagang napaka-naughty pa kung minsan, hah hah. Talagang ‘pag winner ka tulad ni Carlos Yulo lahat ng branches sa buhay mo kasali. Pati na ang mga tao na kung iisipin mo wala namang significance, gaya ng mga dating kalaro, kapitbahay o kung sinumang sabit sa buhay niya. Bakit hindi na lang nila hinta­ying i-acknowledge sila?

Hayaan muna si Carlos sa kanyang moment of glory, huwag makipag-agawan ng eksena. Pero lagi namang ganyan, mahilig talaga tayo sa subplots, mga dagdag kuwento. Hanggang merong bago na dumating. Kaya enjoy while it lasts.

Sana lang lahat ng promise na cash prizes mapunta sa mabuti. ‘Yung iba sana, ‘yung facilities para sa training, o kaya matulungan ‘yung ibang athletes naman na kapos. Sana hindi lang si Carlos Yulo ang maka-avail ng mga magagan­dang bagay, mabigyan din ‘yung iba. Marami pang may chance manalo kung bibigyan ng chance. At least ngayon bawat athlete hahanapan mo na ng potential. ‘Di ba exciting ang iba-ibang aspect ng story nina Carlos Yulo at Alice Guo, bongga ‘di ba, hah hah.

Samantala, pati rin pala si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson ay magbibigay ng P5 million reward sa two-time Olympic gold medalist pero dapat daw itong tanggapin ng pamilya nito at ng karelasyong si Chloe San Jose ‘as a united front.’

Kilala nga kasi si Chavit sa respeto nito sa family va­lues at ang reward daw ay hindi lamang sa gold medals ni Yulo kundi bilang pagpupugay sa lakas at pagkakaisa ng pamilya Yulo.

Siguradong pag-uusapan na naman ito ‘pag nagkitang magkasama ang pamilya ni Carlos at si Chloe.

Bukod pa rito ay pati raw ang Pinoy Boxing Champ na si Manny Pacquiao at magbibigay ng cash incentives kay Carlos pero hindi na raw nito sasabihin pa ang halaga ng kanyang reward at sinabing personal niya na iyon. Bongga.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with