^

PSN Palaro

Cash incentives ni Yulo lomobo pa!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cash incentives ni Yulo lomobo pa!
Carlos Yulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Masayang-masayang uuwi ng Pilipinas si Carlos Edriel Yulo bitbit ang dalawang gintong medalyang nakamit nito sa 2024 Paris Olympics.

Naibulsa ni Yulo ang kanyang ikalawang ginto nang pagharian nito ang men’s vault sa pamamagitan ng impresibong 15.116 average score.

Naglista si Yulo ng 15.433 points (6.000 sa difficulty at 9.433 sa execution) sa kanyang unang lundag kasunod ang 14.800 points (5.600 sa difficulty at 9.200 sa execution) sa ikalawang lundag.

Nauna nang pinagharian ni Yulo ang men’s floor exercise noong Sabado ng gabi (oras sa Maynila).

Dahil dito, umangat na sa P20 milyon ang matatanggap nito sa gobyerno na nakasaad sa RA 10699 o mas kilala sa ‘Sports Benefits and Incentives Act of 2001.’

May P10 milyon ang isang atletang magkakamit ng ginto sa Olympics habang P5 milyon naman sa silver medalist at P2 milyon sa bronze medalist.

Mas pinaganda pa ang ibibigay na condo unit ng Megaworld kay Yulo dahil mula sa 2-bedroom, magiging 3-bedroom unit na ito kasama pa ang libreng parking na nagkakahalaga ng kabuuang P32 milyon.

Bukod pa rito ang P3 milyon na ibibigay ng condo developer.

May P3 milyon din na ipinangako ang kongreso para sa mga magbubulsa ng gintong medalya sa Paris Olympics.

Magbibigay pa ang Philippine Olympic Committee ng house and lot habang kani-kanyang pledge rin ang iba’t ibang kumpanya para kay Yulo.

Nais ni Yulo na pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanyang laban ngunit binigyang diin nito ang mga totoong tao na tumulong at gumabay sa kanya.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with