^

PSN Showbiz

Alexa, may panghihinayang

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alexa, may panghihinayang
Alexa Ilacad

Mga pangamba sa pag-ibig ang ikinwento ng singer at aktres na si Alexa Ilacad sa kanyang bagong awitin na Kung Naging Tayo.

Ibinahagi ni Alexa sa OPM ballad kung paano nakakaapekto ang takot at pag-aalinlangan sa pagsisimula ng pag-ibig.

Isinulat ito ni Angelica Tagadtad at iprinodyus naman ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Katambal ni Alexa sa official music video ng Kung Naging Tayo ang bagong Kapamilya star na si Emilio Daez. Napapanood na ito simula kahapon, Sabado (Agosto 3).

Nitong Abril, inilabas ng StarPop artist ang kanyang solo version ng Star Magical 2024 Prom theme song na Believing In Magic (Yakap Mo) na umani na ng mahigit isang milyong streams sa Spotify.

Naghatid-saya rin si Alexa kasama ang on-screen partner na si KD Estrada sa kanilang sold-out concert na Add to Heart na naganap sa Music Museum noong Mayo.

Bilang aktres, sumikat si Alexa sa kanyang pagbida sa iba’t ibang serye tulad ng Bagito, The Good Son, The Killer Bride, at Pira-Pirasong Paraiso.

Kasalukuyan siyang napapanood bilang isa sa hosts ng Pinoy Big Brother Gen 11.

Pakinggan ang bagong awitin ni Alexa na Kung Naging Tayo na available sa iba’t ibang streaming platforms.

vuukle comment

ACTRESS

ALEXA ILACAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with