^

PSN Showbiz

Joshlia, nag-uumapaw ang kilig sa Cinema One

Pilipino Star Ngayon
Joshlia, nag-uumapaw ang kilig sa Cinema One
Abangan ang kakaibang chemisty ng JoshLia tandem tuwing Sabado, 7 p.m. sa mga pinagbidahan nilang movies na talaga namang tumatak sa mga manonood. Balikan ang kanilang love triangle kasama si Ronnie Alonte sa Vince & Kath & James (Agosto 3). Panoorin ang pagharap nila sa deadly infection outbreak sa horror flick na Block Z (Agosto 10).

Hindi lang sa mga sinehan nakatakdang magpakilig ang Un/Happy For You lead stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil bibida rin sila ngayong Agosto sa cable channel na Cinema One.

Abangan ang kakaibang chemisty ng JoshLia tandem tuwing Sabado, 7 p.m. sa mga pinagbidahan nilang movies na talaga namang tumatak sa mga manonood. Balikan ang kanilang love triangle kasama si Ronnie Alonte sa Vince & Kath & James (Agosto 3). Panoorin ang pagharap nila sa deadly infection outbreak sa horror flick na Block Z (Agosto 10).

Patuloy na magpapaibig ang dalawa sa Love You To The Stars and Back (Agosto 17), Unexpectedly Yours kasama sina Robin Padilla at Sharon Cuneta  (Agosto 24), at I Love You, Hater kasama si Kris Aquino (Agosto 31).

Samantala, bibida naman si Dingdong Dantes sa Monday Drama na mapapanood tuwing Lunes, 9 p.m. Abangan ang magaling na aktor sa The Unmarried Wife kasama sina Angelica Panganiban at Paulo Avelino (Agosto 5); One More Try kasama muli si Angelica pati si Angel Locsin (Agosto 12); She’s The One kasama si Bea Alonzo (Agosto 19); at Seven Sundays kung saan tampok din sina Ronaldo Valdez, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Aga Muhlach (Agosto 26).

Handog naman sa Blockbuster Sundays block ang Three Words to Forever nina Sharon, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo sa Agosto 4; ang Everything About Her nina Angel, Xian Lim, at Vilma Santos sa Agosto 11; at ang back-to-back na pagpapalabas ng Four Sisters Before the Wedding (Agosto 18) at Four Sisters and a Wedding (Agosto 25).

Hindi rin dapat palampasin ngayong buwan ang ilan sa mga natatanging pelikula mula kay Peque Gallaga sa C1 Masters block na napapanood tuwing Miyerkules, 9 p.m. Ipapalabas ang 1982 historical war drama film na Oro Plata Mata sa Agosto 7; ang 1996 fantasy-adventure movie na Magic Temple sa Agosto 14; ang 1988 horror flick na Tiyanak sa Agosto 21; at ang 1983 classic na Bad Bananas sa Puting Tabing sa Agosto 28.

Available ang Cinema One, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with