^

PSN Showbiz

Ibang cast ng BQ, ‘di alam ang ‘pagpatay’ kay Ivana

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ibang cast ng BQ, �di alam ang �pagpatay� kay Ivana
Ivana Alawi
STAR/File

Winasak ng FPJ’s Batang Quiapo ang sarili nitong online viewership record matapos makumpirma ang pamamaalam ng karakter ni Ivana Alawi sa maaksyong episode nito noong Hulyo 30 (Martes). Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa social media.

Nakapagtala ang naturang episode ng all-time high na 610,927 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Nakamit ng serye ang panibagong online record sa dalawang magkakasunod na gabi at ito rin ang kauna-unahang beses na lumagpas ito sa 600,000 views para sa mga sabay-sabay na nanonood.

Tinutukan ng mga manonood ang emosyonal na episode kung saan nadurog ang puso ni Tanggol (Coco Martin) matapos makitang duguan at wala nang buhay si Bubbles (Ivana). Hindi na kasi naabutan ni Tanggol kung paano pagbabarilin ni David (McCoy de Leon) si Bubbles hanggang sa hindi na nito kayang makipaglaban.

Bago pa nito, naipit din si Tanggol sa matinding bakbakan kung saan namatay rin ang lolo ni Bubbles na si Celso (Soliman Cruz) dahil sa tadtad ng bala mula kay David.

Nag-post din si Ivana ng kanyang pasasalamat.

“Nung unang inalok sakin ang Batang Quiapo, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit ako? Kaya ko ba ito? Deserve ko ba?

“Pero dala na ng aking tiwala sa ABSCBN lalo na kay Tita Cory, Direk Coco, at sa pana­langin ko din, tinanggap ko siya ng buong puso. At sobrang proud ako sa show na ito,” umpisa niya.

At dito siya nagpasa­lamat sa mga taga-Batang Quiapo.

“Kaya naman gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo. Mula kay Direk Coco, hanggang sa lahat ng mga artistang nakasama ko, technical staff, production staff, at sa mga utilities… Salamat sa pag aalaga ninyo sa akin

“At ngayong tapos na ang isang chapter ng buhay ko sa Batang Quiapo, babaunin ko lahat ng natutunan ko.

“From the bottom of my heart maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtanggap sa akin gabi-gabi, sa pagmamahal niyo kay Bubbles. Salamat po ng marami at sana patuloy niyo parin supportahan ang Batang Quiapo.

“Hanggang sa muli,

“Bubbles signing off,” ang kabuuan ng post ni Ivana kalakip ang ibang photos niya na kuha sa taping nila.

Pero nagulat pala ang ibang cast ng Batang Quiapo na biglang pinatay si Ivana.

Hindi raw talaga nila alam ang rason, ayon sa isang source.

May apat na unit daw ang Batang Quiapo kaya naman hindi nagkikita-kita ang buong cast nito.

Kaya shocked din sila. Pulos chismis lang din daw ang nakakarating sa ibang member ng cast tulad nung nauna nang kumalat na hindi diumano favor si Ivana sa pagpasok ni Kim Domingo sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Wala diumanong may alam kung anong katotohanan tho may inkling ang iba kung bakit nga raw nagpapatay si Ivana.

Anyway, ang FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films ay napapanood gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with