^

PSN Showbiz

Carlo ayaw ng away sa ex, anak wala talaga sa wedding entourage

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Carlo ayaw ng away sa ex, anak wala talaga sa wedding entourage
Trina Candaza

May mga nagtataka kung ba’t daw wala sa wedding entourage nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang anak ng actor na si Mithi sa ex na si Trina Candaza.

Ba’t ‘di raw ito flower girl.

Sa isang not so throwback interview namin ay nabanggit ni Carlo na hindi niya nakikita ang anak na si Mithi.

Maalalang binabash-bash ang actor dahil sa naging hiwalayan ng ex niya na isa nang negsyante ngayon, almost two years ago.

“Well, ever since naman ganun na’ yung tingin nila sa akin, eh, ‘di ba. Hindi mawawala ‘yung bashing talaga lalo na ‘pag masaya ‘yung isang tao. Para sa akin, as long as intact ‘yung inner circle ko at hindi nanggagaling ‘yung hate at bashing sa mga nagmamahal sa akin, bakit ko papansinin?,” umpisa ng actor nung nakausap namin noon sa presscon ng pelikulang I Love Lizzy.

Mark Escueta at Jolina Magdangal

Aniya sa nasabing interview namin, ang mas apektado at emosyonal siya ay dahil hindi niya nakikita at nakakasama ang anak. “Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba. Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kelan ko puwedeng makasama. Wala pong sagot. Siyempre importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy. Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin, ng mga kailangan nila.”

Nung tanungin namin kung co-parenting sila ni Trina : “‘Yung mga first few months, parang ganun ‘yung setup.”

Ano ‘yung naging problema?  “Ayokong mag-assume, ayokong magsalita kasi hindi ko talaga alam ‘yung nangyayari. Kasi minsan okay, ipapasundo, ‘yung ganyan, sana talaga alam ko. Kasi ‘yun nga, at this point, ‘di ba, dapat ‘yung discussion natin is about co-parenting, kung paano natin papalakihin si Mithi individually? Kailangan niya ng tatay, kailangan niya ng nanay. At the end of the day, sa lahat ng mga lumalabas, ‘yung magsa-suffer, sino? ‘Pag nagkaisip na siya.”

At message noon kay Trina?

“Ever since na nakukuha niyang blessings, I wish her well. Lagi kong pinagdarasal na physically and mentally she’s in better place. Kasi araw-araw niyang kasama ‘yung anak ko, ‘di ba. Sino ba naman magwi-wish ng something bad sa nanay ng anak niya, ‘di ba. ‘Yun lang, at this point sana lang mahiram ko si Mithi. ‘Yun lang naman po.”

Nabanggit din niya sa nasabing interview kay Carlo na very thankful siya kay Charlie na misis na niya ngayon. “Kasi naiilang ako, ‘di ba, ‘pag maraming tao, nahihiya ako, pero ‘pag kasama ko si April (Charlie), parang feeling ko belong ako,” sabi noon ng actor na una silang nagkasama sa teleseryeng A Soldier’s Heart.

“Nagkakilala kami doon, tapos nag-US tour. Dun na mas nakilala ko siya. Pag-uwi, ayun na,” aniya pa sa interview after the presscon noon na nauwi nga sa kasalan noong Sabado.

Pero may tinanungan ako kung nakikita niya ba ng actor ang anak niya lately, sabi ng source nakikita raw ng actor bagama’t ‘di siya sigurado.

Samantala sa post naman ni Jolina Magdangal nagsuguran ang bashers ni Carlo.

Nag-post nga si Jolens ng kanyang congratulatory message sa bagong kasal. Aniya : “Sabi ni April sa vows nya totoo daw pala ang manifesting.. gusto ko lang share na isa ako sa nagmanifest para sa forever nyo. At yung mga sinabi ni Kaloi sa vows naman nya kung paano nya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam na alam ko na puso nya ang nagsasalita.

“Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag iisang dibdib.

“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo.

“April, mula nung malaman ko na mag sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka humble mo.

“Congratulations and best wishes!!!

“Ps, sarap makawitness ng mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever.. (love you mahal).”

At kasama niya sa photo ang mister na si Mark Escueta.

Sa sobrang nega, tiyak daw na ‘di magtatagal at papabor si Charlie sa Divorce bill.

Awss.

vuukle comment

ACTRESS

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with