^

Pang Movies

Heart, may bagong pahulaan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, may bagong pahulaan!
Heart Evangelista

Sinubukang mag-reach out ni Heart Evangelista kay Ate Gay, pero walang sumagot. The next thing she knew, pumanaw na ang mahusay na comedian.

Sa isang interview kay Ate Gay, ikinuwento at in-acknowledge nito na isa si Heart sa mga tumulong sa kanya habang nagpapagamot siya sa cancer. “Napaka buti ni Heart. Monthly niya po ‘ko binibiyayaan. Isa ‘yon sa mga ibinigay sa’kin ni Lord at napakasuwerte ko na may tumulong sa akin. Mahal nila ako at marami pa pong iba.”

And speaking of Heart, tanong ng fans, kanino raw patungkol ang quotation post niyang “Your time is limited, satisfy your soul and society.” Galing ito sa @strike.art.”

Kylie at Luis, tinabunan ang JakLie

Masaya ang cast at buong production team ng Taskforce Firewall dahil extended ang action series hanggang 2027.

Hindi sinabi kung hanggang anong month next year ang extension, ang importante, happy ang Christmas at New Year nila.

Isa sa mga rason kung bakit klik at gusto ng ­viewers ang nasabing action series ng GMA ay ang tambalan nina Kylie Padilla at Luis Hontiveros. Kinikilig ang fans sa kanila kahit madalas ang mga eksena nila ay nag-aaway bilang mag-asawa.

Tanggap ng fans ang role ni Luis na may kabit na ginagampanan naman ni Cheska Fausto dahil nangyayari raw sa real life ang kabitan. In fact, mas mainit pa ang love scenes nina Luis at Cheska kesa kina Kylie at Luis.

Sa mga comment ng fans sa pubmat na pinost nina Kylie at Luis sa kani-kanyang Instagram, ramdam ang kilig ng fans.

Dahil mas pinaboran ng fans ang tambalan nina Kylie at Luis, biglang nawala sa equation ang pagli-link kina Kylie at Jak Roberto.

Sang’gre, lalabas sa streaming

Mabubuhay nito ang mga dugo ng Encantadiks (tawag sa fans ng Encantadia) dahil ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay mapapanood na sa Netflix PH. Streaming ang biggest telefantasya ng GMA simula Nov. 16.

Si Bianca Umali ang bida sa Encantadia Chronicles at marami siyang kasamang Kapuso actors na lalong nagpaganda sa series. Ipinakita ng aktres sa series ang husay niya sa action na talagang pinaghandaan nang husto ang action scenes.

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with