Bayang magiliw, huwag kang bibitiw!
NAGING kontrobersyal ang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na masuwerte pa rin ang Pilipinas dahil kung gugustuhin ng China na sakupin tayo ay napakadali lang. Malamang na pauwiin si Jing Quan. Baka kasi ma-kuwan siya ni Rear Admiral Jay Tarriela. Araykupo!
Kasabay ng bagyo ng nakakabugnot na dulot ng maruming pulitika sa bansa ay mga babala naman sa haharapin nating tag-tuyot dahil sa El Ni?. Nauna namang natuyot ang pambulagang aksyon nina Sens. Pia Cayetano, Camille Villar at Robin Padilla na sipain sa senado si Sen. Erwin Tulfo dahil US Citizen daw ito. Maliwanag na hindi taga-US si Robin. Ha ha ha!
Nanaig din ang desisyon ng anim na miyembro ng Senate Electoral Committee (SET) na sina Sens. Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, SET chair Senior Associate Justices Marvic Leonen, Henri Jean Paul Inting at Ramon Paul Hernando. Balagoong na naman ang minority bloc dito na ilagay sa alanganin ang bilang ng majority bloc sa gagawing desisyon sa impeachment ni VP Sara.
Binulaga naman tayo ng balitang nahuling bulto ng shabu sa bansang Laos na patungo rito sa bansa. Ang tinutukoy na suspect na financier ay isang dating congressman na mula sa dinurog na bayan ng Marawi. Pinagtatalakayan pa kung saan talaga ang destinasyon ng salot na epektos at sana ay maging malinis at walang halong pulitika ang lalakbayin ng imbestigasyon.
Nakakaligtaan natin ang mga nagdurusang mga OFW’s natin sa Saudi Arabia na naiipit sa gitna ng giyera sa pagitan ng Saudi Government at rebeldeng Houthi mula sa bansang Yemen na kaalyado ng Iran. Malaking kawalan ito sa mga dependents nila rito sa bansa natin n? umaasa sa kanilang pinaghanapbuhayan. Itinuturing nating mga buhay na bayani ang mga OFW’s dahil sa ang malaking bahagi sa pondo ng gobyerno ay nagmumula sa remittances nila. Ipagdasal po natin sila!
- Latest















