^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagtaas ng inflation

Pang-masa

SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Martes na umakyat sa 7.2 percent ang inflation noong nakaraang Setyembre, mula 6.1 percent noong Agosto.

Ayon sa PSA, ito ang pinakamabilis na pagtaas sa mahigit tatlong taon.

Pangunahing dahilan nito ang patuloy na pagmahal ng pagkain, pamasahe, kuryente, tubig at iba pang pang-araw-araw na gastusin

Pero may mas mahalagang numero kaysa sa 7.2 percent.

Mas mabigat ang epekto sa mga pamilyang kapos sa kita. Sa grupong ito, umabot sa 9 percent ang inflation noong Setyembre.

Pagkain ang pinakamalaking dahilan nito, habang umabot sa 23.6 percent ang pagtaas ng presyo ng bigas kumpara noong nakaraang taon.

Dito makikita na hindi pare-pareho ang epekto ng inflation.

Hindi pare-pareho ang pangangailangan ng bawat pamilya. Hindi rin pare-pareho ang kakayahan nilang bawasan ang gastos.

Sa buong bansa, pagkain, housing at utilities, at transport ang tatlong pinakamalaking contributor sa September inflation.

Kaya hindi nakapagtatakang mas mabigat ang tama nito sa mga pamilyang maralita o mga isang kahig, isang tuka.

At posibleng hindi pa tapos ang pressure sa presyo. Hindi pa lubos na nakikita sa September data ang epekto ng pagtaas ng pamasahe na nagsimula noong Setyembre 28.

Tumaas ang pamasahe sa dyipni at ang tinamaan nito ay mga commuters na kakarampot ang suweldo. Mas mabigat na ang inaprubahang increase sa minimum wage sa Metro Manila ay pinigil ng Kataas-taasang Hukuman. Nagkaroon ng wage increase pero sa mga ­piling rehiyon lamang ipinatupad gaya sa Visayas Region. Umaaray ang mga manggagawa sa Metro Manila dahil sa pinigil na wage increase. Dahil nagmahal ang bilihin, hindi na sapat ang kanilang kinikita.

Nagbabala pa ang PSA na maaaring mas maramdaman ang epekto ng inflation sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng El Niño. Mananalasa ang El Niño sa susunod na buwan at magtatagal hanggang unang bahagi ng 2027.

Kaya hindi sapat na bantayan lamang kung bababa ang headline inflation.

Mas mahalagang tutukan kung ano ang pinakamabilis magmahal na bilihin at kung sino ang pinakatinatamaan.

Dahil kapag pagkain, pamasahe at kuryente ang tumataas, ang inflation ay hindi lang numero sa report, bawas ito sa laman ng hapag at bulsa nang maraming naghihikahos na pamilyang Pilipino.

PSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with