^

Punto Mo

Dalaga na may malubhang sakit himalang gumaling!

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

NAGKAROOON nang malubhang sakit ang 26-anyos na si Pascal Jammal. ­Naging bedridden siya. Hindi makabangon at hindi makakain. Imposible na umano itong makarekober sabi ng mga doktor.

Hanggang ma-comatose ang dalaga at nanatili sa Intensive Care Unit (ICU). ­Tanging life support tubes ang nakakabit sa kanya para manatiling humihinga.

Ganunman, hindi nawalan ng pag-asa ang pamilya ni Pascal at sama-sama na nagdarasal ang mga ito para sa kaligtasan ng dalaga. Lagi silang nakabantay sa kinararatayang kama ni Pascal.

Ang kanyang ina ay walang tigil sa pagdarasal kay St. Charbel. Naniniwala siya na pakikinggan ni St. Charbel ang kanyang kahilingan na pagalingin ang anak.

Lumipas ang isang buwan at nanatiling walang malay si Pascal. Sabi ng mga doktor, wala nang magagawa sa ka­lagayan ni Pascal. Imposible nang makarekober ang dalag­a.

Hanggang ipinasya ng mga doktor at kaanak ni Pascal na alisin na ang life-support tubes ng dalaga.

Nang matanggal ang aparato, inihanda na ang paglilipat kay Pascal sa morgue.

Subalit bago nadala ang katawan ng dalaga sa morgue, sinabi ng ina na ipapatong muna niya ang image ni St. Charbel sa noo ng anak.

Pagkapatong ng image sa noo, umiyak nang malakas ang ina at nagmakaawa kay St. Charbel na ibalik ang buhay ng anak.

Ayon sa mga testimonya ng pamilya, paglapat ng image ni St. Charbel sa noo ni Pascal, nagmulat ang mga mata nito.

Namangha ang mga nakasaksi, kabilang ang ­pamilya at medical staff.

Naniniwala ang pamilya na ang paggaling at pagkabuhay muli ni Pascal ay dahil sa intercession ni Saint Charbel kay Lord Jesus Christ.

Ang himala ay opisyal na na-record noong Agosto 3, 2026.

SICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with