^

Punto Mo

Tres Queridas (18)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABAGAL ang takbo ng oras habang binabagtas ng kotse ang paliku-likong kalsada patungong San Ildefonso. Si Diana ang nagda-drive. Katabi niya at tahimik na nakatitig si Celeste sa labas ng bintana, habang si Lani naman ay nakasandal sa likod. Upang basagin ang nakatutulig katahimikan, binuksan ni Diana ang radio.

Isang pamilyar na melodiya ang dahan-dahang pumailanlang sa ere. Ang kantang “Love Is All That Matters”.

“Ang kantang ‘yan...” sabi ni Lani habang pilit na inaalala ang pamagat. “Iyan ang kantang laging pinapatugtog ni Carlo sa cell phone kapag ipinagluluto niya ako”

Napatingin si Diana sa rearview mirror, bakas ang pait sa kanyang mukha. “Ang kantang din ‘yan ang lagi niyang kinakanta sa videoke. Sabi niya, ‘yan daw ang kanta niya para sa akin.”

Tahimik na napapikit si Celeste. Sa bawat salita at alaala ng dalawa, tila may dahan-dahang gumugutay sa kanyang dibdib. Sa tatlong taon ng pakikipag-isang dibdib kay Carlo, wala silang “theme song”. Sinabi pa nito sa kanya na hindi siya mahilig sa music.

“Can both of you just shut up?!” angil ni Celeste, sabay patay sa radio. “Stop romanticizing him! Nagsisinungaling siya sa inyong dalawa! Ginawa niya lang ang mga ‘yan para makuha ang tiwala n’yo! “

“Celeste, hindi mo kailangang magalit…” sabi ni Diana.

“I have every right to be angry!” sagot ni Celeste habang umiiwas ng tingin at pinipigilan ang pagtulo ng luha. “Puro kayo sweet memories! Samantalang ako... ginamit lang niya!”

Nabalot nang malamig na katahimikan ang kotse. Walang sinuman ang muling naglakas-loob na magsalita hanggang sa pumasok ang sasakyan sa maalikabok at mabatong dalampasigan ng Monteluz port town. Sa dulo nito, nakatayo ang luma at kinakalawang na parola.

Bago pa man tuluyang? mai-park ni Diana ang kotse, biglang nanlaki ang mga mata ni Lani habang nakatitig sa balcony sa pinatataas ng parola. Nakatayo roon ang isang matangkad na lalaking nakasumbrero at nakatitig sa kanilang kotse.

“Carlo...” bulong ni Lani.

Mabilis na binuksan ni Lani ang pinto ng kotse at patakbong tinungo ang paanan ng parola.

(Itutuloy)

KERIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with