^

Punto Mo

Ang babaing relihiyosa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KAHIT malakas pa ang hangover dulot ng pakikipag-inuman nang nagdaang gabi, pinilit ng mangingisda na gumising nang maaga para makarami ng huling isda.

Kinuha niya ang kanyang maliit na bangka at nagsimulang sumagwan habang madilim pa ang paligid. Kaso umaraw na’t lahat, naroon pa rin siya sa aplaya. Dala marahil nang kalasingan, hindi niya napansin na hindi niya tinanggal sa pagkakatali sa puno ang kanyang bangka. Kaya pala kahit abutin siya ng sandaang taon sa pagsasagwan, hindi siya umuusad sa kanyang kinaroroonan.

Sa kabilang dako, hahanga ka sa babaing ito na walang absent sa pagsamba. Umaraw man o bumagyo, pipilitin talaga niya na present siya sa bawat araw ng pagsamba. Maliit lang ang kanyang kinikita pero regular siyang nagbibigay ng tithing sa simbahan.

Mahirap ang buhay ng relihiyosang babae. Umaasa lang siya sa tulong ng nakababatang kapatid na lalaking mayaman. Doon sa kapatid na iyon, maamo pa siya sa tupa. Dadaigin ang anghel sa sobrang kabaitan. Malaki-laki rin kasi ang naiaabot sa kanya.

Pero bakit napakasungit niya sa kanyang ate na nakakapag-abot din naman ng pera?a kanya? Uugud-ugod na sa katandaan ay hindi pa rin niya natututuhan ang ugaling paggalang sa nakatatandang kapatid. Ang hula ng iba, naliliitan ito sa iniaabot na tulong ng kanyang ate.

Ang babaeng ito ay maihahalintulad sa bangka na hindi makausad kahit sumagwan pa nang sumagwan dahil nakatali pala sa puno. Ang babae ay nakatali pa rin sa kanyang negatibong kaisipan at pag-uugali kaya kahit anong sipag sa pagsamba at pagbibigay ng tithing, hayun at naghihirap pa rin.

RELIHIYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with