^

Punto Mo

Paralisadong ina, muling nakalakad! (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NOONG Enero 1993, nagkaroon ng partial paralysis si Nohad El Chami, isang Lebanese at may 12 anak. Ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan ay labis na naapektuhan. Hindi siya makakilos nang maayos. Hirap na hirap siya sa kalagayan.

Ayon sa mga doktor, masyadong kumitid o lumiit ang mga ugat na nagsusuplay ng dugo sa kanyang utak. Operasyon ang kailangan para maisaayos ang kanyang kalagayan. Subalit sabi ng mga doktor, masyadong seryoso ang kondisyon ng katawan ni Nohad at maaring hindi kayanin ang operasyon at malagay sa panganib ang buhay nito.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang pamilya ni Nohad. Ang kanyang mga anak ay naniniwalang gagaling ang kanilang ina. Pagagalingin ng Diyos ang kanilang mahal na ina.

Ipinagdasal ng pamilya na tulungan sila ni St. Charbel Makhlouf, ang Lebanese maronite monk na nakalibing sa Monastery of St. Maron.

Isa sa mga anak na lalaki ni Nohad ang nakakuha ng langis at lupa mula sa libingan ni St. Charbel.

Ipinagpatuloy ng pamilya ang pagdarasal at paghingi ng tulong kay St. Charbel.

Noong Enero 22, 1993, sinabi ni Nohad na dalawang Maronite monks ang nagpakita sa kanyang panaginip—sina St. Charbel at St. Maron.

Ayon kay Nohad, ooperahan siya ni St. Charbel. Sa leeg umano siya ooperahan! (Itutuloy)

PARALYSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with