^

Punto Mo

EDITORYAL — Dagdag-buwis sa sweetened beverages

Pang-masa

SUPORTADO ng Department of Health (DOH) ang panukalang taasan pa ang excise tax sa sweetened beverages at palawakin pa ang mga produktong saklaw nito.

Sa proposal ng Department of Finance, maaaring tumaas mula P6 hanggang P20 kada litro ang buwis sa ilang sweetened beverages, habang maaaring umabot sa P40 kada litro ang may high-fructose corn syrup. Kasama rin sa gustong buwisan ang ice cream, ice drop at frozen yogurt.

May dahilan para seryosohin ito. Ayon sa DOH, mahigit apat sa bawat 10 Pilipino ang overweight noong nakaraang taon.

Tinataya rin na maaaring bumaba ang konsumo ng sweetened beverages kapag tinaasan ang buwis.

May dagdag na benepisyo pa: maaaring makalikom ng P25 bilyon hanggang P34 bilyon kada taon para sa PhilHealth, bukod pa sa pondong mapupunta sa medical assistance at mga pampublikong health facility.

Walang masama sa paggamit ng buwis para pigilan ang sobrang pagkonsumo ng asukal.

Pero kung kalusugan talaga ang layunin, hindi sapat na gawing mas mahal ang mga produktong masama sa kalusugan.

Kailangan ding gawing mas mura at mas madaling maabot ang mga masusustansyang pagkain.

May dahilan para magduda kung buwis lamang ang magiging sagot. Isang 2024 congressional study ang nakitang nakalikom nga ng malaking revenue ang sugary-drink tax na ipinataw noong 2018, pero nanatiling mataas ang konsumo at patuloy pang lumaki ang sales volume ng ilang matatamis na inumin.

Mas mahirap ito para sa mga pamilyang kapos. Ayon sa parehong report, patuloy silang bumibili ng soft drinks kahit tumaas ang presyo dahil kakaunti rin ang affordable alternatives sa kanilang paligid.

Kaya kasabay ng dagdag-buwis, kailangang palawakin ang access sa masustansiyang pagkain at malinis na tubig.

Dapat din palakasin ang edukasyon tungkol sa tamang pagkain at lifestyle.

Kung hindi, baka mas mataas lang ang babayaran ng consumer habang pareho pa rin ang pagpipilian. Kung health tax ito, dami ng malulusog na Pilipino ang dapat sukatan, hindi lang kung magkano ang nakolektang buwis.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with