Madre, gumaling sa malubhang sakit! (Last Part)
(Kasaysayan ito ni Sister Marie Abel Kamari, isang Lebanese na pinagaling ni St. Charbel sa malubhang sakit. Nagsimula ang pagkakasakit ni Sister Marie noong 1936 na ayon sa mga doktor ay wala nang lunas. Hindi siya makalakad. Nagtungo si Sister Marie sa St. Maron Monastery kung saan tumira at nakalibing si Father Charbel. Binuhat siya at dinala sa harap ng puntod at nagdasal nang taimtim.)
HABANG taimtim na nagdarasal si Sister Marie sa puntod ni Father Charbel (hindi pa ganap na santo noon) napansin niya na may tumutulong makintab na likido sa naka-engraved na pangalan ng pari. Hindi makapaniwala si Sister Marie at saglit na natulala sa nasaksihan.
Pagkaraan, pinahid ng madre ang hawak na panyo ang makintab na likido at ipinunas niya sa bahagi ng kanyang katawan na masakit, particular sa kanyang mga paa. Maraming nakasaksi sa ginawa ng madre.
Hanggang mangyari ang hindi inaasahan. Biglang tumayo si Sister Marie at naglakad sa harap ng mga tao. Hindi halos humihinga ang mga tao habang pinagmamasdan ang madre na 34 na taon nang may sakit.
Kabilang sa mga nakasaki ay mga Jesuit priests at brothers.
Dalawang medical certificates ang nagpatibay sa dating kondisyon ni Sister Marie ang kanyang hindi inaasahang paggaling.
Isang doktor ang nagsabi na ang paggaling ng madre ay “supernatural event beyond human explanation”.
May mga nag-testified na nang umuwi si Sister Marie sa bayan nito ay naglalakad ito at bumalik na ang dating sigla sa pagkain.
Ang paggaling ni Sister Marie ay isa sa mga pinakamatunog na balita na may kaugnayan sa intercession of St. Charbel. Ang nangyari kay Sister Marie ay nag-iwan sa mga Katoliko sa mundo nang isang paalala: Huwag titigil sa pagdarasal at laging magtiwala sa Diyos.
- Latest















