^

Punto Mo

Killer lamok, huwag palusutin!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HINDI biro ang dengue. Sa isang kagat ng lamok, puwedeng magsimula ang ilang araw na paghihirap ng isang pamilya lalo na kapag bata ang tinamaan. At kapag minalas-malas pa puwede itong makamatay.

Kaya panawagan sa gobyerno huwag sana silang magpakaang-kaang kumilos habang maaga ‘wag nang hintayin na dumami pa ang biktima bago kumilos.

Silipin ang mga estero, kanal at bakanteng lote na tambak ang basura lalo’t nagdulot ng grabeng baha sa Metro-Manila at karatig probinsiya. Linisin ang mga lugar na naiipunan ng tubig dahil dito madalas nagkakakitaan ang mga lamok na may dalang dengue.

Hindi sapat ang minsanang clean-up drive na may picture-taking at press release. Ang kailangan ng mga tao ay tuluy-tuloy na paglilinis at seryosong pagbabantay.

Ika nga, ‘hoy gising’ mga Barangay officials, city governments at mga kinauukulang ahensiya kumilos kayo. Kung may baradong kanal, linisin. Kung may estero na parang basu­rahan, ayusin. Kung may lugar na pinamumugaran ng lamok, aksyunan bago pa may madisgrasya.

Dahil kapag nagkasakit ang isang bata, hindi lang lagnat ang problema. May gastos sa gamot, pamasahe, ospital at kung minsan, trabaho ng magulang ang kailangang isakripisyo para magbantay.

Mas masakit kung ang sakit ay puwedeng naiwasan sana.

Pero hindi rin puwedeng gobyerno lang ang sisihin. May trabaho rin ang bawat mamamayan. Huwag magtapon kung saan-saan. Takpan ang mga lalagyan ng tubig. Linisin ang bakuran. Alisin ang mga bagay na puwedeng pag-ipunan ng tubig.

Simple lang ang laban, pero kailangan ng disiplina. Ang dengue ay hindi namimili ng bahay, barangay o estado ng buhay. Kaya bago pa kumatok ang “killer lamok” sa ating mga tahanan, kumilos na tayo.

Huwag hintaying ospital ang maging hantungan ng kapabayaan.  Linisin ang paligid. Putulin ang pamumugaran. Iligtas ang mga bata.

Disclaimer: Opinyon ng manunulat ang nilalaman ng artikulong ito at hindi kapalit ng payong medikal.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with