Himala: Maysakit na ina, gumaling! (Part 4)
“HUWAG mo ring kalilimutan na magdasal kay Mama Mary. Sa kalagayan nating ito na humaharap sa mga pagsubok, si Mama Mary lamang ang tangi nating takbuhan,” sabi ni Mama.
“Kahit na pagod ka sa maghapong pagtatrabaho, huwag mo Siyang kalilimutan, Maria. Si Mama Mary lamang ang tutulong sa kagipitan.”
“Opo Mama. Araw-araw akong nagrorosaryo.”
“Kapag may panahon ka, ilagay mo sa kuwadro ang larawan ni Mama Mary para hindi naaalikabukan. Takpan mo ng tela.”
“Opo Mama.”
“Kailangang ipakita natin ang walang hanggang pagmamahal kay Mama Mary. At huwag na huwag kang magsasawa sa pananalangin.”
“Hindi ako nagsasawa Mama.”
“At siyempre, pati na rin sa pagdarasal kay Panginoong Jesus na kanyang anak.”
“Opo, Mama.”
NANG mga sumunod na araw, napansin kong laging pagod na pagod si Mama. Pagdating mula palengke, tila hapung-hapo.
(Itutuloy)
- Latest

















