^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit! (Part 15)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, maaga akong nagtungo sa restaurant para magtrabaho at babayaran ko na rin ang inutang kong pera na ginamit sa 2D Echo test ni Victor.

Nang dumating ako sa restaurant ay agad kong hinanap ang may-ari—si Ate Ma­yette. Nasa kusina ito at nagsu-supervise sa pagluluto. Cashier naman ang asawang si Kuya Noli.

Nilapitan ko si Ate Mayette.

“Ate papasok na po ako ngayon. Babayaran ko na rin po ang inutang kong P3,500 na ginamit sa test ng kapatid ko.”

“Huwag ka na munang pumasok. Intindihin mo na muna ang kapatid mo. Mas kailangan niya ang pag-aalaga mo. Kapag maayos na siya, saka ka mag-report,” sabi ni Ate Mayette sa mababang tinig. “Ay yung utang mo, kakaltasin ko na lang sa suweldo mo paunti-unti. Mas kailangan n’yo ang pera,’’ dagdag ni Ate Mayette.

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya.

“Maraming salamat Ate.”

“Sige umuwi ka na at asikasuhin ang kapatid mo. Magpagaling siya.”

“Salamat po uli, Ate.”

Nagpaalam din ako kay Kuya Noli bago umalis. Masa­yang-masaya ako nang lumabas sa restaurant.

Habang naglalakad pauwi, alam kong ang mga nangyari ay dahil sa mga kahilingan ko sa Mahal na Birhen ng Fatima.

Hindi ako pinabayaan ng Mahal na Birhen.

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with