^

Punto Mo

Imago (12)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HUMAHAGIBIS ang Tokaido Shinkansen sa direksiyong patungong Kyoto sa bilis na tatlong daang kilometro bawat oras. Sa labas ng bintana, mabilis na naglalaho ang mga modernong gusali ng Tokyo, napapalitan ng mga luntiang bundok at mala­lawak na bukirin.

Sa loob ng tahimik na tren, mahimbing na natutulog si Nelson sa aisle seat. Inisip nitong ang biglaang pagpunta nila sa Kyoto ay paraan lang ni Maya upang mag-relax at takasan ang “guni-guni” sa museo. Hinayaan lang siya ni Maya na maniwala roon. Mas mabuting isipin ni Nelson na namamasyal sila kaysa malaman nitong patuloy niyang hinahabol ang isang multo.

Gamit ang kanyang tablet, patagong sinaliksik ni Maya ang lokasyon ng tattoo shop. Sa tulong ng mga online forums at foreign art blogs, lumalim ang misteryo. Ang studio sa Kyoto ay hindi basta-basta tumatanggap ng mga walk-in customers. Ito ay isang ekslusibong tattoo shop ng isang sikat na artist na guma­gawa lamang ng mga espesyal na disenyo­ para sa isang piling grupo.

Habang nagbabasa, napatigil si Maya sa isang lumang artikulo tungkol sa isang sikat na avant-garde exhibit sa Europa.

Ayon dito, ang partikular na simbolo, ang ibong may mata sa gitna, ay madalas makita bilang pirma sa mga lihim na imbitasyon ng mga bilyonar­yong kolektor ng mga kakaibang paintings.

Niyakap ni Maya ang kanyang camera bag habang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Lumingon si Maya sa natutulog na si Nelson, at nakaramdam nang ma­tinding takot. Lumalapit na sila sa Kyoto, ngunit pakiramdam niya, dahan-dahan silang dinala ng tren patungo sa kapaha­makan. (Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with