^

Punto Mo

‘Rosaryo’ (Part 1)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ang karanasan kong ito noong 1978. Ako ay 16-anyos noon at kaluluwas lamang ng Maynila. Nagbakasakali akong makakita ng trabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral ng college. Mahirap lamang kami. Si Tatay ay magsasaka at si nanay ay karaniwang maybahay lamang. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay.

Ang plano ko, maghahanap ako ng trabaho—kahit anong trabaho basta marangal—at saka mag-aaral. Nung una ay ayaw pumayag si Tatay dahil mahirap daw makipagsapalaran sa Maynila. Isa pa’y baka raw ako mapahamak dahil maraming masasamang loob. Sabi ko’y mag-iingat ako.

Nakitira ako sa bahay ng aking dating teacher sa high school. Lumipat siya sa Maynila at dito nagturo. Ang bahay niya ay nasa Hidalgo St. malapit lamang sa MLQU.

Hindi na ako pinagbayad ng renta sa kuwarto ng mabait na teacher. Bilang ganti, ako ang naglilinis ng bahay. May dalawang anak ang aking teacher na nag-aaral din.

Naghanap ako ng trabaho para makapag-aral. Bago maghanap ng trabaho, dumadaan muna ako sa simbahan ng Quiapo para magdasal. Hiniling ko na makakita ng trabaho.

Isang umaga na lumabas ako sa simbahan, isang rosaryo ang napulot ko sa kalsada. Itinago ko sa bulsa.

(Itutuloy)

MLQU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with