^

Punto Mo

Puwesto ni Sara pinag-aagawan na ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

SA himig ng mga binibitawang pahayag ng magkabilang grupo sa senado ay mababanaag ang paglilinis imahe sa kapulungan nito sa mata ng taumbayan na dinungisan ng pork barrels at flood control projects. Antatakaw kasi eh!

Pinag-aagawan ang maging Senate President dahil ito ang magiging kahalili ni VP Sara Duterte sakaling milagrong ma-impeached ito sa senado. Alam marahil ng Duterte Camp na delikado ang kalagayan ni Sara kaya pinilit nilang mapalitan ni Alan Peter si Tito Sotto. Ipinapasok naman ng grupo ni Tito sa eksena si Sen. Win Gatchalian. Bumubulong naman si Loren nang ‘‘I-nominate n’yo ako.’’ ‘‘I-nominate n’yo ako!’’ Alam na ‘dis.. ‘di ba? Ha ha ha!

Umeksena naman si Sen. Imee Marcos sa plenaryo ng senado at nagpasabog ng ‘‘relyenong fake news’’ hinggil sa plano diumanong Charter Change ng minority group at amyendahan ang kuwalipikadong edad na 50 ng kakandidato sa pagka-presidente para hindi makatakbo si Sara sa 2028 dahil 45 years old pa lamang ito. Pinutakti ng minority group ang talumpati ni Imee dahil ‘‘tsismis’’ lang pala at lumalabas na fake news ang dala ni Ate Imee, kaya tameme at nabokya ang ale..eh’ sino naman kayang palpak na political spy ang nagpahamak kay Senadora Imee?

Pero teka, kung talagang ang puwesto ni VP Sara ay maghahatid ng tukso sa susunod na Senate President bilang successor, posibleng sumakay nga ito sa panawagang impeachment at maging bida pa kalaunan. Nakinabang na sumikat pa! Ayan na sina Alan, Win at Loren., Magkatotoo kaya ang hinala ni Juan at napapakiramdaman kaya ito ng kampo ni Sara?

Walang imposibleng sitwasyon sa pulitika at wala talagang ‘‘permanent friend in politics.’’ Iisa lang ang talagang totoo at ‘yan ay ang pagiging makasarili ng karamihan sa mga pulitiko. Sabi nga ni Erap eh’..Weder weder lang ‘yan..samantalahin mo!

Hindi matatawaran ang wisyo ni Digong Duterte sa pagkokondisyon ng isipan ng mga nakakasama niya sa pulitika. Naipamana niya ang liderato sa mga anak nito sa Davao City hanggang maluklok na VP si Sara. Nasadlak naman sa ICC si Digong dahil sa sobrang tiwala sa sarili.

Palamura at brusko si Digong pero sa likod nito ay kinagigiliwan ito ng mga DDS sa loob at labas ng bansa dahil dinadaan nito sa biro ang lahat. Ang kadaldalan din ni Digong ang nagpahamak sa sarili nito at maging sa mga kasama nito. Itanong n’yo kay Bato!

Nakakapanibago ang mga pananalita at ikinikilos ni SP Alan Peter Cayetano sa bulwagan ng Senado. Pumipigura itong isang maamong tupa na dinaig pa si Son of God Apollo Quiboloy.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with