^

Punto Mo

‘Mas malalim pa sa baha ang korapsyon’

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

PAPARATING na naman ang rainy season. At gaya ng naka­sanayan, hindi pa man nagsisimula ang malalakas na ulan, naka­abang na ang trahedya lubog na kalsada, inaanod na bahay, sirang kabuhayan, at mga pamilyang muling magsisimula sa wala.

Pero linawin natin hindi lang ito simpleng sakuna ng kali­kasan. Marami sa mga pagbahang paulit-ulit na sumisira sa buhay ng Pilipino ay produkto ng kapabayaan, kagahaman, at garapalang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Habang ang ordinaryong mamamayan ay naglilimas ng putik at umiiyak sa evacuation center, ang mga sangkot sa multi-bilyong flood control scam ay parang walang nangyari pakuya­kuyakoy, nakangiti, nagpapapogi sa kamera, at tila ba hindi dugo, pawis, at buhay ng tao ang kapalit ng kanilang kinurakot.

Nakaka-kamote lang isipin na kada tag-ulan, taumbayan ang lumulubog habang ang mga dapat managot ay patuloy na lumalangoy sa pera ng bayan.

Ilang flood control project ba ang “completed” lang sa papel? Ilang drainage system ang pinon­dohan pero barado pa rin? Ilang tulay at dike ang pininturahan lang pero hindi naman pinatatag? At ilang opisyal pa ang magmamalinis habang ang mamamayan ang sumasalo ng kapalpakan at korapsyon?

Kapag bumaha ngayong taon, huwag nating kalimutan: hindi lahat ng baha ay gawa ng ulan. Ang iba, baha ng kasakiman. Baha ng kurapsyon. Baha ng mga opisyal na ginawang negosyo ang kalamidad at ginawang ATM ang pondo para sa kaligtasan ng tao.

Ang masakit, pagkatapos ng trahedya, pare-pareho na naman ang eksena relief operation, photo-op, pangakong “imbestigasyon,” tapos limot na ulit. Samantalang ang mga biktima, habang-buhay dadalhin ang perwisyo.

Hindi kailangan ng taumbayan ng scripted na awa. Ang kailangan namin totoong pananagutan. Kulong ang magnanakaw. Pangalanan ang mga sangkot. Bawiin ang ninakaw. At siguraduhing hindi na muling pagkakitaan ang buhay ng Pilipino.

Dahil kung hanggang ngayon ay wala pa ring napaparusahan, malinaw na hindi lang baha ang malalim sa bansang ito pati sistema ng proteksyon sa mga makapangyarihang ganid.

Disklaymer:  Ang pahayag na ito ay opinyon at panawagan para sa pananagutan at mas maayos na pamamahala kaugnay ng mga usaping pampubliko at flood control projects. Hindi ito direktang paratang sa sinumang indibidwal nang walang sapat na ebidensya at legal na proseso.

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with